MAG-ASAWA NA: Vice Ganda at Ion Perez ikinasal na sa Las Vegas noong Oktubre

LOVE is in the air! Nakakatuwa ang balitang ikinasal na pala ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang partner na si Ion Perez.

Yes, they’re married! Ito mismo ang kinumpirma ni Vice Ganda sa pamamagitan ng kanyang latest vlog kung saan ipinakita niya ang mga tunay na kaganapan sa kanyang pananatili sa Amerika noong Oktubre 2021. Naroon si Vice Ganda for a series of shows, pero maliban sa trabaho ay may mga personal din itong lakad at ikinasal na nga siya sa kanyang one and only Ion Perez.

MAG-ASAWA NA: Vice Ganda at Ion Perez ikinasal na sa Las Vegas noong Oktubre
Vice Ganda and Ion Perez wedding

Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa The Little Vegas Chapel noong October 2021. Nag-exchange of vows sila in Filipino.

“Buong-buo ‘yung loob ko…’yan, na makasama ka. Wala akong masabi, basta, mahal na mahal kita, Tuy. I love you,” sambit ni Ion kay Vice.

“Mahal na mahal din kita, at ang saya saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon. Ikaw ‘yung kasama ko kahapon, at ikaw ‘yung alam kong makakasama ko pa rin bukas at sa susunod pang araw,” sagot naman ni Vice.

Pagkatapos ng kanilang exchange of vows ay ipinakita nila ang kanilang wedding rings at certificate of commitment na kanilang pinirmahan.

Third year anniversary nila as a couple noong October 25. Unang nagkakilala sina Vice at Ion nang maging Mr. Escort ang huli sa Miss Q&A segment ng It’s Showtime. Kinumpirma naman nila sa madlang pipol ang kanilang relasyon noong October 2019 sa Magpasikat segment ng noontime show. Ever since that day ay lagi nang visible si Ion sa mga videos at social media updates ni Meme Vice.

Congratulations, Vice and Ion! Stay in love!

Previous articleWillie Revillame naging emosyonal sa kanyang pag-alis sa GMA; nagpasalamat at tumanaw ng utang na loob
Next articleTop 5 Toni Gonzaga Romance-Comedy Movies