Vice Ganda at Coco Martin, tuloy na tuloy na muling pagsasama sa pelikula

ADVERTISING

Vice Ganda at Coco Martin, tuloy na tuloy na muling pagsasama sa pelikula

Vice Ganda And Coco Martin With Direk Joyce Bernal, Aura And Onyok
Vice Ganda And Coco Martin With Direk Joyce Bernal, Aura And Onyok

Tuloy na tuloy na at sa katunayan, naganap na ang story conference Vice Ganda at Coco Martin kasama si Direk Bb. Joyce Bernal para sa pelikulang pagsasamahan nilang tatlo na kung matatapos at makahabol sa deadline ng MMFF 2016 mas masaya ngayong Kapaskuhan.

ADVERTISING

Last Christmas, patok sa takilya ang pelikulang pinagsamahan nina Vice Ganda at Coco Martin na dinirek ni Wenn Deramas.

Mula nang mamatay si Direk Wenn, isa sa mga malaking katanungan sa karir ng “Unkaboggable Box-Office Comedian” ay kung sino ang magdidirek sa susunod na pelikula ng komedyante.

Marami ang nagsasabi na ending na eraw ng karir ni Vice mula nang namatay ang paboritong direktor niya. Si Vice at Direk Wenn lang ang kering magkagawa ng pang-box-office na pelikula na swak ang timpla. Silang dalawa lang ang may saktong panlasa na pareho nilang nagugustuhan na tuloy nagiging box-office ang pelikuila. Saktong kering-keri nila pareho na nairaraos na sa tinginan lang nila ay swak na swak na.

ADVERTISING

Pero ang nakalimutan ng marami ay nandyan si Direk Bb. Joyce Bernal na isa sa mga reliable din natin na film director na iba rin ang humor na for sure ay magkakasundo sila ni Vice at siyempre ni Coco.

As of Sunday during the story conference ay pinagbobotohan pa nila kung ano ang magiging title ng movie.

Sa pelikulang pagtatambalan muli nina Gardo at Ella (mga katakter ng dalawa sa “FPJ’s Ang Probinsiyano”), makasasama nila ang dalawang bagets ng hit teleserye na sina Onyok at Aura.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING