Vice Ganda at Coco Martin, napirata na

ADVERTISING

Vice Ganda at Coco Martin, napirata na

Coco Martin and Vice Ganda
Coco Martin and Vice Ganda

Kaloka! Hindi pa man nag-iinit sa mga sinehan ang mega super hit na pelikulang “The Super Parental Guardians” nina Coco Martin at Vice Ganda na produced ng Star Cinema ay humahataw na sa Quiapo ang pelikula na pinipirata ng mga nagbebenta ng mga pirated DVD sa halagang P15 na lang na dati-rati’y balita namin na ang presyo ng local movies na pinarata ay P25 each.

Sa totoo lang, habang isinusulat namin ito, hindi pa namin napanonood ang pelikula na tuwing nagtatangka kaming panoorin, palaging sold-out ang ticket para sa screening.

Ang mahirap pa. walang reserved seating para sa “TSPG” na ayaw naman naming makipag-unahan sa gusto naming upuan. Malamang sa 2nd week of showing na namin ito mapanonood.

Dati kasi, first day of showing ng isang pelikula, pinanonood na namin na siyang nakagawian ko na. Pero with Vice and Coco’s movie sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, dito yata nabasag ang nakagawian ko.

ADVERTISING

As of last weekend, more than P150 million na ang kita ng pelikula sa box-office.

Congrats, Star Cinema at sa mga artista ng pelikula!

Panalangin ng mga beki, maambunan sana ng bonus.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING