Vice Ganda at Coco Martin, ‘di kayang paghiwalayin ng anumang pagsubok

Vice Ganda at Coco Martin, ‘di kayang paghiwalayin ng anumang pagsubok

Coco-Martin-Vice-GandaKumpleto sa rekado ang pelikulang “Beauty And The Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin na dinirek ng box-office director na si Wenn V. Deramas under Star Cinema at Viva Films. Walang humpay sa kasiyahan, katatawanan, at aksyon para sa buong pamilya sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan, December 25, 2015. Kasama rin sa action-packed, laugh-a-minute comedy na ito sina James Reid, Nadine Lustre, MC Calaguian, Lazzy, at ang child superstars na sina Marco Masa at Alonzo Muhlach.

Ayon kina Vice, Coco, at Direk Wenn, ibinigay nila ang best sa ikasisiya ng manonood. Sa trailer pa lang, makikita at mararamdaman mong kakaiba at makabago ang mga eksenang ginawa ng mga pangunahing tauhan sa pelikula. Nag-hard action dito si Coco with Vice, helicopter scene, walang double. Maging si Vice, maraming mahihirap na comedy scene siyang ginawa na labis na maiibigan ng kanyang mga fans. “Sulit ang ibabayad nila, ibinigay ko kung ano ang gusto nila. Uuwi silang masaya dahil nakuha nila ang gusto nila,” sambit ni Vice Ganda.

In real life, beauty and bestie ni Vice ang kanyang nanay. Si mader ang unang-una niyang konsepto ng kagandahan at bestfriend nito forever. “Si Coco magandang lalaki, best friend kong talaga. At saka sina Toni Gonzaga at Anne Curtis. ‘yun silang tatlo. Sina Coco Martin, Toni, Anne at Billy Crawford, sila ‘yung beauty and bestie ko, silang apat.”

Ikinuwento ni Coco kung papa’no naging solid ang kanilang friendship ni Vice Ganda. “Si Vice talaga ang beauty and bestie ko. Nagkakilala kami ni Vice hindi pa kam artista. Ako that time nagtratrabaho pa sa Max’s restaurant, estudyante, si Vice sa comedy bar. Kapag nag-aaway kami ni Vice, nag-aaway talaga kami, nagkakatampuhan, ganyan. Ang level ng friendship namin, hindi showbiz. Kapag nag-uusap kami n’yan, parang ako ang tatay niya, ang concern ko sa kanya malalim. Everytime na may problema, nahihilig siya sa mga ganyan, nagkakaroon kami ng time para makapag-usap. Dumarating talaga na pinagsasabihan ko siya, hindi para i-comfort lang, kaya ‘yung pagkakaibigan namin, hindi dahil lang magkatrabaho lang sa proyektong ito. Wala pa kami sa ABS, hindi pa kami artista, best na kami ni Vice.”

Para kay Vice Ganda, sobra niyang tini-treasure ang friendship na mayroon sila ni Coco. Kahit pareho na silang sikat, patuloy pa rin ang maganda nilang samahan bilang matalik na magkaibigan. “Malalim talaga, sobrang personal. May mga bagay na hindi namin p’wedeng i-share sa lahat. Pero kaya kong i-share kay Coco, siya rin, i-share rin niya sa akin. Maliban na lang sa dyowaan, nagkukublihan na kami, kasi nga napapahamak ako dahil ang dami niyang alam sa akin. Ayaw ko nang talaga, kapag dyowaan, kinukubli ko. ‘Yun lang naman ang inililihim ko sa kanya, pero lahat talaga alam niya.”

Hindi man madalas magkita sina Vice at Coco dahil sa sobrang dami ng kanilang ginagawa. Hindi napuputol ang communication ng magkaibigan. “Mas busy siya akin, hindi kami madalas mag-usap pero ‘yung minsang text, ang sarap- sarap sa pakiramdam. Hindi naman ako tumatakbo sa kanya dahil alam kong busy siya. Pero ‘yung text, okay ka lang best? ‘Yun masayang-masaya na ako dun. Sagot siya, ‘keri pa ito.’ Kapag hindi mo keri, tawagan mo ako. Alam kong nand’yan siya at aware siya sa lahat ng nangyayari sa akin. Hindi siya nagpaparamdam ng pasensiya, sinisigurado niyang alam na alam niya lahat ang nangyayari sa buhay ko. Hangang-hanga ako sa kanya, mahal na mahal talaga ako ng taong ito. Sabi ko nga sa kanila, mahal na mahal ako ni Coco kasi inaalam niya talaga ang tungkol sa akin. Hindi niya hahayaan na may isang bagay na hindi niya alam, kasi gusto niyang papakialaman niya. Feeling kasi niya kapamilya niya ako, kaya ‘yun ang pinanghahawakan ko. Hindi ako natatakot tumandang mag- isa, hindi ako nag-iisa, kasi may Coco Martin.”

Dumating man daw ang panahon na tumanda na si Vice, hindi siya magiging loveless dahil nand’yan ci Coco na tunay na nagmamahal sa kanya. Palibhasa love nila ang isa’t isa kaya’t masasabing forever, ganu’n din daw ang pakiramdam ni Coco. Hindi sila mapaghihiwalay ng kung anumang pagsubok ang darating sa kanilang dalawa.

Sa mga naging girlfriend ni Coco, never na inokray ni Vice ang mga ito. Katuwiran niya, “Babae ‘yun, sa totoong buhay, mas okrayera siya sa akin. Mas masungit siya sa akin, mas istrikto siya sa akin.” Hindi man umamin si Vice na may special someone si Coco ngayon. Obvious naman ang naging reaction ng comedian, idinaan lang sa tawa ang kanyang kasagutan. “Ayaw kong magsalita, ayaw ko namang manggaling sa akin na, ‘oo’. “Depensang sabi ni Coco, “Wala pa po, next year.”

Baka 2016 niya aaminin ang sa kanila Julia Montes. Ganu’n?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield