Vice Ganda at Coco Martin, alam ang mga pinakatatagong sikreto ng isa’t isa

Vice Ganda at Coco Martin, alam ang mga pinakatatagong sikreto ng isa’t isa

Coco-Martin-Vice-GandaMalalim ang friendship na namamagitan kina Vice Ganda at Coco Martin. Noon pa na wala pa sa showbiz si Coco at isa pa lang waiter at si Vice naman, isang struggling stand-up comedian sa mga sing-along bars, pareho silang nangarap na balang araw maisakatuparan din nila ang pangarap nila sa sarili at sa mga mahal nila sa buhay. Kaya nga ang dalawa, sila ang masasabing tunay na mag-bestie (on and off cam) dahil sa dami ng pinagdaanan nila.

Noon, inamin ni Vice Ganda na may pagnanasa siya kay Coco Martin, pero hindi niya ito naisakatuparan dahil mas nauna niya naging kaibigan ang mga pinsan ng aktor kaya nahiya na siya. Pero ang closeness nila hindi mo maratawaran. Alam ng isa’t isa ang pinakatatago-tagong sikreto ng bawat isa.

Si Vice, ibinuking si Coco na may karelasyon, pero deadma lang ang aktor at ayaw kumpirmahin.

“Sa tinginan lang nagkakaintindihan na kami,” kuwento ng aktor sa press launch ng MMFF 2015 entry ng Star Cinema na “Beauty and the Bestie” mula sa direksyon ni Wenn Deramas.

Sa pambubuking ni Vice sa lovelife ng aktor na pangiti-ngiti lang siya during the event at ayaw magsalita, may bumulong sa amin na si JM (as in Julia Montes) daw ang love ng binata.

Dahil mag-bestie sina Vice at Coco, si Vice lang talaga ang makapagkukumpirma kung ayaw mang umamin ng Coco.

Reyted K
By RK VillaCorta