Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, at ibang celebrities, nalungkot sa pagpanaw ni Direk Wenn Deramas

Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, at ibang celebrities, nalungkot sa pagpanaw ni Direk Wenn Deramas

Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, at ibang celebrities, nalungkot sa pagpanaw ni Direk Wenn DeramasPumanaw na umaga ngayong araw, February 29, ang 49 years old box-office director na si Wenn Deramas dahil sa cardiac arrest .

Ito’y kinumpirma ng matalik na kaibigan ni Direk Wenn Deramas na si June Rufino. Ayon sa kuwento nito, unang isinugod sa Capitol Medical Center ang isang kapatid ni Direk Wenn na dead on arrival (DOA) na.

Nang sumunod daw si Direk Wenn sa ospital, inatake naman ito sa puso, na ikinasawi rin ng kanyang buhay.

Mabilis naman itong kumalat sa social media at ilan sa nagpaabot ng mensahe sa pagpanaw ni Direk ang mga artistang nakatrabaho nito .

Sobrang lungkot ang nararamdaman ni Vice Ganda sa pagpanaw ng direktor ng kanyang mga blockbuster movies. Aniya, “isang napakalungkot na araw sagad hangang buto ang lungko. paalam Direk Wenn mahal na mahal kita”

Ganito rin ang sntimyento ni Anne Curtis: “sadenning news that breaks my heart. Paalam Nay. i Miss you and i love you so much Direk Wenn.”

Hindi naman makapaniwala si Kim Chiu sa balita. “Just got the sad news …grabe …RIP Direk Wenn …..  :( di ako makapaniwala “

Dinala na sa Arlington Memorial Chapels, sa Araneta Avenue, Quezon City ang mga labi ni Direk Wenn para sa burol.

John’s Point
by John Fontanilla