Vice Ganda, almost lose self when he saw Piolo Pascual face to face!

ADVERTISING

 

Vice Ganda, almost lose self when he saw Piolo Pascual face to face!

ADVERTISING

Vice Ganda, almost lose self when he saw Piolo Pascual face to face!BLIND ITEM: SINO ang hunk personality na ‘to na totoo ba ‘to? Aba’y kahit kami’y nanginig ang laman nang malaman naming “humahada” ng bading basta mayaman.
Totoo ba ‘to?
Parang walang-wala naman sa hitsura niya, ah?
‘Eto na ang siste: naimbiyerna sa kanya ang isang non-showbiz dyowa ng rich gay, dahil ito ang original, pero hindi na masyadong tinatawagan ng bading.
‘Yun pala, nag-enjoy na ang pahadang rich gay sa hunk personality, dahil ang galing daw paligayahin ang bading. “Talagang ginagawa niyang babae ang bading.
“Kaya itong bading naman, para nang nabubuwang ‘pag lumiliyad-liyad na sa kama, dahil sobrang mamamatay siya sa galing ng hunk.
“Kaya nga irita talaga ‘yung non-showbiz dyowa ng bading, dahil ngayon, deadma na siya sa bading.”
Sinawaan na ng bading ang dating dyowa, naghanap ng bagong putahe, nagustuhan, naadik. Ayun, para siyang biniling balloon sa kalye at pinakawalan lang sa ere.
La Vida Lokah talaga!

SINCE NAKATANGGAP KAMI ng subpoena nu’ng May 18 at binibigyan lang kami ng sampung araw para i-file ang aming counter affidavit, sa Monday ay nakatakda kaming magpunta sa Malolos Regional Trial Court kasama ang aming abogado.
Ito ay may kinalaman sa libel case na isinampa ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa amin kung saan na-mention lang ang aming pangalan sa iginigiit niyang diumano’y private messages ni Aiko Melendez sa kaibigan nito, kung saan diumano’y may “conspiracy” para siraan o sirain si Patrick (na kailangan pang patunayan sa korte kung sa kanila nga galing ang mga messages).
Anyway, nananalangin kaming isang araw ay maaayos din ang lahat sa pagitan ng dalawang kampo, dahil naniniwala kaming may maganda pa rin namang pinagsamahan sina Aiko at Patrick.

LITERAL NA NA-TENSE si Vice Ganda nu’ng first time ever niyang makaharap si Piolo Pascual sa second episode taping ng Gandang Gabi, Vice! nu’ng Miyerkules.
“Lalo na ‘pag tinititigan niya ‘ko, Ogs, grabe, para akong matutunaw sa kinauupuan ko. Ang ganda ng mukha. Walang mali, kalokah!”
Kung mapapanood n’yo ‘to sa Sunday, kapansin-pansin ang pagpo-po at opo at oho ni Vice Ganda kay Piolo, kaya lagi siyang pinaaalala-hanan nito na, “Ba’t pinopo-po mo ‘ko?”
Merong idiot board si Vice na halos hindi na niya nabasa at naitanong, dahil nawala na siya sa kanyang sarili, kaya kung anu-ano na lang ang lumabas sa bibig niya nu’ng kaharap si Papapi.
“’Day, starstruck talaga ‘ko. Napadayalog tuloy ako ng, ‘Last episode ko na ba ‘to?’ Kasi nga, palung-palo ang mga guests ko.
“Meron na ‘kong Gerald Anderson, meron pa ‘kong Cristine Reyes, tapos, meron pang Piolo Pascual na walang kamali-mali ang mukha na parang Diyos ang dating.
“Juice ko, ‘teh, sobrang kabado ako that time. Parang gusto ko siyang kainin nang buong-buo!”
Hahahaha!
Abangan n’yo ‘yan this Sunday, nakakalokah talaga!

ADVERTISING

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING