Vice Ganda at Ai-Ai delas Alas, nagpaplastikan lang

ADVERTISING

Vice Ganda at Ai-Ai delas Alas, nagpaplastikan lang

Ai-Ai-delas-Alas-and-Vice-GandaItaga rin sa bato (pahiram, Ai-Ai delas Alas who refuses to acknowledge na kinabog ng Beauty & the Bestie ang kanilang MMFF entry with Vic Sotto and AlDub na ipinagpipilitan niyang nag-Number 1! ), there truly exists a silent gap between the comedienne and Vice Ganda, says our reliable source.

ADVERTISING

Teka, parang all seemed well naman noong umalis si Ai-Ai delas Alas sa ABS-CBN, ah? In fact, nagkaiyakan pa nga sina Ai Ai at Vice Ganda when the former did a “swan number” on It’s Showtime.

Pero sumusumpa ang aming source, “Ang closeness nu’ng dalawa—kung meron man—by virtue na lang ‘yon ng pagiging magbarkada ni Ai Ai at ng kuya ni Vice Ganda. Pero there existed no friendship between Ai Ai and Vice Ganda!”

Ipinagpipilitan kasi namin that either Ai Ai or VG is happy kung alin sa kanilang MMFF entry made a killing at the box office, after all, they’re friends. “Friends ka diyan?!” pagkukorek ng aming kausap, “Nagkataong tahimik lang si Vice Ganda, hindi katulad ni Kris Aquino na maingay tungkol sa disgust niya kay Ai Ai.”

ADVERTISING

Oh, well, the box office figures have already spoken. Padded—as Ai Ai insists—based on the figures in favor of Vice Ganda’s MMFF entry—ibig bang sabihin ay “dinoktor” din ng Star Cinema ang mga pelikulang blockbuster kuno na nilabasan niya?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING