Vic Sotto, pinaplano ang kasal kay Pauleen Luna?

Vic Sotto, pinaplano ang kasal kay Pauleen Luna?

Pauleen-Luna-Vic-SottoPINAGBUBUBURA NAMIN ang comment ng ibang followers namin sa Instagram account namin kung saan picture ng presscon ng My Big Bossing ang naka-post na ang caption namin ay: “Tinanong si Bossing Vic Sotto sa presscon ng My Big Bossing kung pinaplano na ba nila ni Pauleen Luna ang pagpapakasal? Na ang sagot ni Bossing ay ‘Well, that calls for another presscon!’ #AlamNa.”

Kawawa si Pauleen sa mga comment dahil pinaparatangan siyang “ginagamit” lang niya si Bossing o peperahan lang ito.

Kung minsan, ‘etong mga netizens na ‘to go overboard. Sumosobra na. Kung makapag-judge ay akala mo, ganu’n nila kakilala sina Bossing at Pauleen.

Masyado silang affected sa lovelife ng dalawa. Hindi na sila nahiya sa mga sarili nilang problema na imbes na inuuna nila ay mas pina-prioritize nila ang problema o kaligayahan ng ibang tao.

Buti na lang kamo at hindi na bago ito kina Vic at Pauleen. Kung hindi nga lang matibay-tibay ang dibdib ng mga ‘yan, eh ‘di sila mismo ay naapektuhan na rin o napikon at isa-isang sinagot ang ka-OA-yan ng ibang netizens na hindi naman talaga concerned bagkus insecure much lang sa pagmamahalan ng dalawa.

Ang nakakalokah nito, sila mismong mga bashers, makikita mong nakapila sa Dec. 25 para panoorin ang My Big Bossing.

Eh, kung sasabihin naman ng iba, “Excuse me, no! Hindi naman ang loveteam nila ang panonoorin ko kundi si Marian Rivera at si Ryzz Mae Dizon!”

Hahahaha! Ewan ko sa mga taong ito, isa pang nega comment, iba-block ko na lang sila.

Kung hindi kayo happy sa dalawang taong nagmamahalan, eh ‘wag n’yo na silang idamay sa lungkot ng buhay n’yo.

Oh My G!
by Ogie Diaz