Vic Sotto, nagbababad sa condo unit ng isang EB Babe?!

Vic Sotto, nagbababad sa condo unit ng isang EB Babe?!

Vic Sotto, nagbababad sa condo unit ng isang EB Babe?!

SA ISANG KUWENTUHAN ng mga parlorista, narinig namin na ito raw si Bossing Vic Sotto ay nakikitang nagbababad sa Andrea Building malapit sa Aurora Boulevard. Dinadalaw raw nito ang isang EB Babes dancer na nakatira du’n, na ipinagtaas ng aming kilay.

Hindi kami kumbinsido sa balita. Pero kung paniniwalaan ang tsika, walang dudang posible nga dahil ang sinasabing dinadalaw ni Bossing sa nasabing condo ay ang dancer na nagdadala ng mga pagkain sa Pinoy Henyo portion, na noon pa man ay iniintriga na sa aktor.

“Mabait at maganda ‘yung dancer kaya siguro na-in love sa kanya si Vic. Tsaka siguro, sawa na siya sa mga matatalinong babae like Dina (Bonnevie) at Pia Guanio kaya kumuha siya ng parang tatanga-tanga at inosente,” sabi ng aming source.

Sa totoo lang, wala ka-ming nakikitang masamang dahilan kung makipagmabutihan si Bossing sa dancer na iyon. Una at higit sa lahat, binata naman ang aktor at may karapatan itong magmahal. ‘Yun ay kung totoo nga ang balita.

 

SA ISANG MINI-BAR and restaurant sa Alabang, una na-ming nakita ang ina ni Janelle Manahan, ang kontrobersiyal na girlfriend ng yumaong aktor na si Ramgen Revilla. Siya si Mommy Yong, Rosario Quintano sa totoong buhay.

Sa ginawang pakikipag-usap ni Ate Cristy Fermin para sa Paparazzi, mariing sinabi ni Mommy Yong na never silang nagkita nang personal ni Ram. Matagal na raw niyang alam na boyfriend ito ng kanyang anak. “Nagkakausap kami ni Ram sa cellphone.”

Ayon kay Mommy Yong, mabait at mapagmahal ang kanyang anak na si Janelle, kaya sobra-sobrang sakit sa dibdib ang naramdaman niya nang malaman niya ang sinapit ng anak. “Nasa Bicol ako nu’ng mangyari iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lutang na lutang ang utak ko nu’ng paluwas ako ng Manila. Kasi nu’ng araw na iyon, kausap ko pa si Janelle, then mamaya, nalaman ko may ganu’n nang nangyari.”

Maraming naikuwento si Janelle kay Mommy Yong, pero iwas magbigay komento ang ina dahil ang usapin ng pagkamatay ni Ram ay nasa korte na. “Basta ang masasabi ko lang, naaawa ako sa aking anak dahil sa mga pinagdadaanan niya. Imagine nu’ng mamatay si Ram, hindi niya alam. After five days na lang, natuklasan niyang wala na si Ram.”

Ang magkapatid na Ramona Revilla at Ramon Joseph Bautista ang sinasabing prime suspect sa insidente, na ayon kay Mrs. Quintano ay hindi siya maaaring magbigay-komento sa nasabing usapin kung sino ba talaga ang salarin. Basta ang masasabi lang daw niya, ipit na ipit sa sitwasyon ang anak niyang si Janelle.

 

KUMPIRMADO NA RAW ang pag-lipat ni Sharon Cuneta sa TV5. Ayon sa aming source, hindi na raw pumirma ang aktres sa panibagong kontrata sa Dos, dahil tatapusin na lang nito ang commitment sa nasabing network.

“Hindi naman magpapa-exclusive sa TV5 si Sharon. Kung sakali, pero project lang ang gagawin niya,” sabi ng aming source na nagkumpirmang tatapusin lang daw ng Megastar ang birthday nito sa January 6, tapos nu’n ay lipat na ang beauty nito sa Singko.

“Hindi naman galit si Sharon sa Dos, wala namang ganu’ng factor. Nagkataon lang na may magandang offer, kaya siguro tatanggapin ni Sharon ang alok,” sundot pa ng aming kausap.

Samantala bukod kay Sharon, may isa pang sikat na aktor ng Dos ang nagdada-lawang-isip ngayon kung tatanggapin nito ang offer ng TV5. By December kasi, tapos na ang kontrata ng binata sa Dos. Isa kina Piolo Pascual, Sam Milby, Jericho Rosales, Derek Ramsay, Gerald Anderson, Jake Cuenca at Coco Martin ang hinihinalang maglilipat-bakuran next year.

 

ANG PAGBUBUKAS NG mga restaurant ni Boy Abunda ay bahagi raw ng kanyang paghahanda sa pagtanda. Ayon kay Kuya Boy, ang kasikatan daw sa showbiz ay nawawala. “Ito ay isang paraan upang ang aking pinaghirapan ay lumago at mapunta sa tamang paraan,” pahayag iyon ni Kuya Boy na muling sumagi sa aming isipan nang kami ay kumain sa bago niyang restaurant na Food Republic, kasama ang aking pamilya.

Ang totoo, bibihira kaming kumain sa labas ng aking mga anak dahil sa sobrang taas ng bilihin. Pero dahil mura at masarap ang pagkain sa Food Republic, kaya noong Linggo na iyon, niyaya ko ang aking pamilya.

 

More Luck
by Morly Alinio