Vic Sotto, may plano na sa future nila ni Pauleen Luna

ADVERTISING

Vic Sotto, may plano na sa future nila ni Pauleen Luna

Pauleen-Luna-Vic-SottoIDINI-DENY PALA ni Vic Sotto ang isyung pinapatayuan na raw nito ng bahay si Pauleen Luna.

ADVERTISING

Hindi ko naman natanong ang alaga ko dahil kung totoo man ‘yan, tiyak na hindi rin niya sasabihin sa akin. Siyempre takot siyang idadaldal ko lang.

Kunsabagay nakikita ko namang seryoso na ang kanilang relasyon, eh. Pero ewan ko lang kung mauwi ba sa kasalan.

Mukha namang tanggap na ng magulang ni Pauleen si Bossing Vic dahil nakikita naman nila ang katapatan nito.

ADVERTISING

In fairness nga naman, hindi na nali-link si Bossing sa kung sinong babae. Paano ba makalusot ‘yan eh, sila naman ang madalas na magkasama.

Sabi naman ni Bossing sa interview sa kanya ng Startalk sa set ng MMFF entry niyang My Big Bossing, may plano na raw sila ni Pauleen para sa future nila. Pero wala siyang detalyeng sagot tungkol dito. Kung ano ba talaga ang plano nila. Kasalan na ba next year? Ayaw naman siguro nila sumabay sa dami ng mga nagpu-propose ngayon, ‘di ba?

Tahimik lang kasi ‘yan si Bossing, at simple lang siya. Kaya kung meron man siyang plano, tiyak na magugulat na lang ‘yang alaga ko.

Ewan ko lang, ha? Kasi pati  sa mga role na tinatanggap ni Pauleen namimili na siya at baka mag-react pa si Bossing, ‘di ba? Alam ko ayaw na nga niyang makipaghalikan, eh. Kaya mukhang seryosohan na nga. Sana nga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING