Vic Sotto, may pagkukulang kaya hiniwalayan ni Pia Guanio?!

Vic Sotto, may pagkukulang kaya hiniwalayan ni Pia Guanio?!

Vic Sotto, may pagkukulang kaya hiniwalayan ni Pia Guanio?! OLA CHIKKA! HANGGANG ngayon ay mainit pa rin ang chikka ng hiwalayang Vic Sotto-Pia Guanio. More than five years na silang nagsasama and everything is almost perfect, walang problema pagdating sa pamilya, kaibigan at career. Kung matatandaan, noong inamin ng dalawa ang kanilang relasyon ay maraming nagtanong kung bakit si Pia?

Siyempre iniisip ng marami na napakasuwerte ni Pia dahil kung tutuusin ay ang daming babae riyan na better than her. Pero hindi nila alam na halos balance lang, dahil matalino naman si Pia, may looks and kahit papaano, may body. Kaya she’s good enough for Vic. ‘Yun nga lang, hindi talaga maitatago ang age gap nilang dalawa na nakalista sa mga maaaring dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Until now, wala pang malinaw na dahilan sa hiwalayan ng dalawa at kung totoo talaga ito. Maaaring dahil daw bata pa si Pia kaya hindi na masabayan ni Vic itong mga trip ni Pia, ‘yung lifestyle or differences nila na diumano’y hindi nila maayos.

Ngayon ay ibang anggulo naman ang nakikita ng marami regarding their break-up. Ang tingin nila ay nainip na itong si Pia sa pahihitay na alukin siya ng kasal ni Vic. Dahil halos perfect na ang lahat kaya maaaring ang kulang na lamang ay kasal na sinasabi ng marami na naging pagkukulang ni Bossing.

Ngunit hangga’t hindi pa nagsasalita ang isa sa kanila at magsasabi ng totoo sa status ng kanilang relasyon, patuloy na maglalabasan ang kung anu-anong ispekulasyon tungkol sa hiwalayang ito. Kaya let’s wait and see.

MUKHANG TANGGAP NA ng dating host ng Wowowee na wala na siyang babalikan sa nasabing program. Ayon kasi sa aking parazzi girl ay ipinahakot na raw ni Willie Revillame ang lahat ng kanyang gamit sa Studio 3 ng Wowowee. Maging ang mga kagamitan doon na may pangalan at mukha niya ay ipinahakot na rin daw tulad ng tarpaulin, billboards, posters at iba pa.

May pagkamayabang man ay mukhang may prinsipyo pa rin itong si Willie dahil sa kabila ng mga consequences na hinaharap niya matapos hamunin ang management ukol dito sa pagpapatanggal niya kay Jobert Sucaldito dahil sa walang tigil na paninira sa kanya, pinanindigan pa rin niyang magre-resign siya. At ayan nga, mukhang hindi na talaga siya makababalik sa Wowowee.

May napapabalita namang paghahatian daw ni Kris Aquino at Robin Padilla ang time slot na 11 A.M to 3 P.M. Una raw ang game show ni Tetay at susundan ng variety show nitong si Binoy. Ngunit may naririnig naman akong chikka na hindi naman daw ganu’n iipitin ng management ang career ni Willie, dahil hanggang ngayon ay hawak pa rin siya ng ABS-CBN kaya mawala man daw ang Wowowee ay may iho-host pa rin daw na game show itong si Willie.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young actress na matagal-tagal nang hindi umuusad ang career dahil hindi na masyadong nasisislayan sa telebisyon, maging sa pelikula?

Dating nag-boom ang career niya dahil kaliwa’t kanang projects ang ginagawa niya. May teleserye na, may pelikula pa. Maging ang pagre-recording ay nasakop din niya. Ngunit hindi ko na masyadong naaninag ang beauty niya.

Ang balita ay nagbabakasyon siya sa kanyang sariling bansa, ngunit hindi kaya nasa Boracay lamang ito at humihithit ng masamang damo kasama ang ilang kolehiyalang estudyante just like the old days?!

Hmmm…. Sino itong actress na humihithit ng damo sa tabing-dagat?! Kaya nga blind item, ‘wag sabihin eh! I know… I know… I know… Ha-ha! ‘Yun na!

At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding