Vic Sotto, gumagamit na ng senior citizen ID

Vic Sotto, gumagamit na ng senior citizen ID

Vic-SottoWALANG MAKAPANIWALA na may Senior Citizen ID na si Bossing Vic Sotto. Isang grupo ng entertainment writers ang nag-uusap sa isang umpukan, hinuhulaan ang edad ni Bossing dahil wala sa itsura niya na edad 60 na siya.

Bagets pa rin kasi ang itsura at outlook, kaya ang girlfriend na si Pauleen Luna, pangiti-ngiti lang habang tinitingnan si Bossing na katabi niya na tila kinakantiyawan.

Parang magbarkada lang sina Bossing Vic at Pauleen sa kilos nila. ‘Yun nga lang, with special extra care si Bossing sa mahal na si Pauleen na tratong “nanunuyo” pa rin siya sa girlfriend kahit sabihing sila na.

Aliw si Bossing Vic sa kanyang 20% discount. Sa Makati nagsisine siya dahil libre. (Ewan ko kung seryoso siya o nagpapatawa). “Pati parking libre. May 20% discount sa mga gamot,” natatawang kuwento niya.

Sa edad niyang 60 years old, hindi mo makikita sa tikas niya. Maging ang moods niya very bagets. No wonder swak sila ni Pauleen kahit malaki ang agwat ng edad nila. Kung hindi ako nagkakamali, si Paulene halos kalahati ng edad ni Bossing ngayon.

Sa MMFF 214 entry ni Bossing Vic na My Big Bossing kasama niya sa isang episode si Pauleen together with Marian Rivera, Nikki Gil, Niño Muhlach, Ruby Rodriguez, Alonzo Muhlach at si Ryzza Mae Dizon.

“Ang mga kasama ko, mga bagets. ‘Di hamak na mas bata sa akin. Ewan ko na lang kung hindi ka pa magiging bagets nito,” natatawang pahayag niya.

Reyted K
By RK VillaCorta