Vic Sotto at Pauleen Luna, lantaran na ang relasyon!

ADVERTISING

Vic Sotto at Pauleen Luna, lantaran na ang relasyon!

Vic Sotto at Pauleen Luna, lantaran na ang relasyon!AYAN! LANTARAN na ang relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Luna nang nakita silang magkasamang dumating sa premiere night ng ‘D Kilabots Pogi Brothers nu’ng nakaraang Lunes sa SM Megamall.

Kuwento ng mga bading, nu’ng in-interview si Bossing Vic ng Startalk, lumayo si Pauleen. Ayaw niyang suma-bay dahil ayaw naman talaga nitong magsalita pa.

Siyempre, tipid-tipiran sa mga sagot ni Bossing dahil ayaw naman talaga ni-lang pag-usapan pa.

Pero sumagot naman ito nang nakorner ng Startalk du’n sa premiere night at hindi naman niya tinatanggi.

ADVERTISING

“What you see, is what you get” daw ang ibig niyang sabihin. Dahil kung ano man daw ang nakikita sa kanilang dalawa, eh, ‘di ‘yun na ‘yun.

Sila naman talaga, at sabi ni Bos-sing, hindi naman daw nila tinatago pero ayaw lang daw nila na gawing big issue pa.

In fairness naman sa alaga ko, umiwas siya nang in-interview na si Vic. Hindi na siya sumabay para hindi na siya mapasali sa usapan.

Sabi naman niya sa mga nakaraan niyang interview, mas gusto raw niya ng tahimik para mas masaya.

Mukhang masaya naman silang dalawa, at sinasabi naman ni Bossing na si Pauleen ang isa sa nagpapasaya sa kanya.

Naku! Abangan n’yo ‘yan sa Startalk sa Sabado dahil nakunan namin lahat ‘yun at meron din kaming interview kay Danica Sotto.

Ayaw naman niyang pangunahan pa ang Daddy niya, pero kung ‘yun daw ang nagpapaligaya sa Daddy niya, susuportahan daw nila ito.

Ang alam ko, nagkita na sina Danica at Pauleen, pero hindi ito ikinuwento ng una. Mas mabuting tahimik din daw sila.

Kaya mabuti na lang at nagsalita din si Bossing.

Haharap ‘yan sa presscon ng pelikula nila na pang-MMFF na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako. Tiyak na pag-uusapan uli ‘yun at itatanong sa kanya.

 

SA PRESSCON nga ni Sen. Bong Revilla para sa Si Agimat… hindi rin naiwasang itanong sa kanya ang tungkol kina Vic at Pauleen dahil napabalitang dumalaw raw si Pauleen sa shooting nila at nakatsikahan pa nga nila roon sa set.

Sabi lang ni Bong, bulag daw siya nu’ng mga oras na ‘yun, kaya wala raw siyang nakikita.

Sabi nga, kung may sari-ling agimat si Bong, meron din daw si Vic at ito na nga si Pauleen.

Sabi na lang ni Bong, kung sino man ang nagpapasaya kay Vic, masaya na rin sila at suportado nila ito.

Wala raw siya sa lugar na pag-usapan ‘yun dahil mabuting si Bossing na lang daw ang magsalita.

Vic Sotto at Pauleen Luna, lantaran na ang relasyon!

Sa isyung dalaw-dalaw na ‘yan, sinagot naman ni Pauleen na pinapunta siya roon nina Jose at Ruby dahil madadaanan naman niya ang set. Nandu’n lang daw siya para sa buong dabarkads na kasali rin sa pelikula.

Siyempre pa-safe din ng sagot ang alaga ko, ‘no!

Pero ayan na, open naman sila sa relasyon nilang dalawa, kaya sigu-ro tama na ‘yun. Huwag na lang kalkalin, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING