Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, kikita ang pelikula sa MMFF ‘di lang dahil sa AlDub

ADVERTISING

Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, kikita ang pelikula sa MMFF ‘di lang dahil sa AlDub

Ai-Ai-delas-Alas-Vic-SottoNGAYON PA lang pinagtatalunan na kung alin sa pelikula nina Vic Sotto – Ai-Ai delas Alas (My Pabebe Love), Kris Aquino, at Vice Ganda-Coco Martin (Beauty and The Bestie) ang mangunguna sa Metro Manila Film Festival this December 2015. Marami ang nagsasabing sigurado na raw magna-number 1 sa takilya ang movie nina Vic at Ai Ai dahil kasama sa cast ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza (AlDub). Ang AlDub raw ang magdadala ng pelikula kaya tatabo ito sa takilya.

Pahayag ni Direk Wenn V. Deramas,”Huwag nating maliitin ang ginawa nina Vic at Ai Ai. Kasi for one, hindi naman ako makapapayag na ang magdadala kina Vic at Ai Ai ay ang AlDub. Mas naniniwala ako, kaya inilagay ang AlDub dahil makatutulong sila sa pelikula. Definitely, hindi sila ang magdadala sa pelikula dahil ‘yung Vic Sotto at Ai Ai delas Alas, gawin muna nila kahit kalahati ng na-achieve ng dalawang ‘yan sa industriyang ito bago ako maniwala. Mas naniniwala pa rin ako sa maiambag nu’ng dalawang hari at reyna ng ating industriya.”

Super ang kasikatan ngayon ng Aldub, wala raw puwedeng pumantay na loveteam sa success na tinatamasa nila ngayon. Katunayan nga, kahit milyones na ang talent fee sa commercials ng dalawa, kinakagat pa rin ito ng mga advertisers. May mga naka-line-up pang gusto silang kuning endorsers. Ang balita namin, close to 20 product endorsements ang malamang na gawin nila for 2016.

Kahit hindi sabihin ni Vic, very confident ito na ang pelikula nila ni Ai Ai ang magna-number 1 sa takilya. Susuportahan ng AlDub fans ang pelikula dahil nasa cast ang kanilang iniidolo. Marami raw eksenang pakikiligin nina Alden at Maine ang manonood. Sabi nga, ka-level na ni Yaya Dub si Justin Bieber sa kasikatan kung pag-uusapan ang social media (Twitter, Instagram, Facebook).

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING