Vhong Navarro, willing patawarin sina Deniece Cornejo at Cedric Lee

ADVERTISING

Vhong Navarro, willing patawarin sina Deniece Cornejo at Cedric Lee

Vhong Navarro, willing patawarin sina Deniece Cornejo at Cedric Lee
Vhong Navarro

SA PRESSCON ni Vhong Navarro para sa pelikulang Unli Life ng Regal Films ay natanong ang aktor kung napatawad na ba niya sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Jed Fernandez na nahatulan ng guilty ng Metropolitan Trial Court Taguig Branch 74 noong July 27, 2018 dahil sa kasong grave coercion.

Sagot ni Vhong sa press,  “Kasi, sabi ko nga uli, ako naman willing magpatawad kung ang tao ay pinagsisihan kung ano ang ginawa. Kasi mahirap magpatawad kung ang tao, eh, hindi pa rin sila… kung may galit pa sila, hindi pa rin sila humihingi ng tawad.”

Matatandaang nasangkot si Vhong noon sa insidente ng pambubugbog at pananakot ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa condominium unit ng dalaga sa Taguig City taong 2014.

Kung  maaari nga raw ay ayaw na niyang pag-usapan pa ang nangyari dahil bumabalik lang sa kanyang alaala ang masamang karanasan.

ADVERTISING

“Hangga’t maaari, yung mga bagay na ganyan ayoko nang pag-usapan kasi ito yung bumabalik uli, eh. Kumbaga, nakakapag-move on na tayo kahit papaano,” reaksyon ng aktor.

Leading lady ni Vhong sa Unli Life si Winwyn Marquez na aminadong bata pa lang siya noon ay pinapanood na niya ang Streetboys. Kasama rin sa pelikula sina Joey Marquez, Jon Lucas, Alex Calleja, Donna Cariaga at marami pang iba.

Ang Unli Life ay ipapalabas on Aug. 15 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING