Vhong Navarro, suportado ng buong showbiz industry

ADVERTISING

Vhong Navarro, suportado ng buong showbiz industry

Vhong-NavarroINOPERAHAN NA si Vhong Navarro nu’ng kamakalawa ng gabi at hindi pa ako nasagot ni Direk Chito Roño kung okay na ba ang kalagayan niya. Hindi pa sumasagot sa text ko, na tingin ko okay naman si Vhong.

Kailangan daw kasing operahan ang ilong nito dahil nabasag talaga at hindi na raw makalabas doon ang fluid.

Sabi nga ni Chito, medyo matatagalan ang pagpapagaling ni Vhong. Pero suportado naman ito ng ABS-CBN 2 at ilang kaibigang taga-showbiz na tumutulong sa aktor.

Malaking bagay itong pagbunyag ni Vhong kung sino ang bumugbog sa kanya dahil ang dami tuloy naglabasang kuwento na ginawa rin nitong si Cedric Lee. ‘Di ba siya rin ‘yung na-involve sa bugbugan nu’n kay David Buenavacks, at nanirahan na lang sila sa Amerika sa takot sa kanila.

ADVERTISING

Powerful nga yata itong dating dyowa ni Vina Morales, kaya siguro hindi agad inilabas ni Vhong dahil kailangang tiyakin muna niya ang seguridad ng pamilya niya. Nasa isang safe na lugar na yata ang dalawang anak ni Vhong kaya inilabas na niya ito.

Lumabas na rin ‘yung mga involved na si Cedric at ang babaeng dahilan ng naturang gulo na si Deniece Cornejo.

Nagsalita sila ni Cedric at pinanindigan ang una nilang pahayag na talagang in-attempt siyang i-rape ni Vhong.

Hay, naku! Kung ibang artista ang na-involve diyan gaya ng ilang mga artistang laging nai-involve sa gulo, puwede tayong maniwala. Pero si Vhong pa ang akusahan nila nang ganu’n. Ang dami kayang naghahabol na babae kay Vhong kaya parang hindi talaga kapani-paniwala. Meron pa silang anggulong drugs na hindi rin pinapaniwalaan ng mga tao.

Kaya suportado ng buong movie at TV industry ang actor/TV host sa ipinaglalaban niya. Bukas nga raw ay may pamisa sa kanya at inaasahang dadaluhan ito ng mga taga-industriya bilang suporta sa kanya.

Sabi nga ni Madam Charo Santos, labas daw dito ang network war. Dapat daw lahat ay sumali dahil puwede rin itong mangyari sa ibang artista ng ibang istasyon.

Dapat ipakita raw na nagkakaisa ang buong industriya sa pagsuporta kay Vhong para makita nilang hindi nila puwedeng ganun-ganunin na lang ang mga taga-showbiz, ‘no!

Malapit na yatang maayos ang lahat na mga detalye ng kasong isasampa. Kaya sabi ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, kapag naayos na nila lahat, magsasampa sila ng patung-patong na kaso laban sa mga gumawa nito sa kanya. Pati si Deniece ay kakasuhan din daw niya. Alam ko kahapon na sila nag-file ng kaso.

Mahaba pa ang tatakbuhin ng kasong ito, kaya patuloy pa rin natin ‘tong subaybayan kasi kapag makalimutan na ito at hindi na pinag-uusapan, baka magtrabaho ang mga kalaban at kung ano pa ang gawin kay Vhong.

Naku, ha? Napag-usapan tuloy namin sa isang lunch kasama sina Manay Ichu Maceda, Madam Charo Santos at ilan pang mga top brass sa showbiz na parang bumabalik daw ang Big Four nu’ng araw na walang ginawa kundi awayin, takutin o i-harass, i-bully ang mga taga-showbiz.

Kasi hindi lang si Vhong ang nagawan nitong grupo nina Cedric Lee kundi may ilan pa, gaya ni David Buenavacks at sila rin daw ang nag-extort dati kay Hayden Kho na ilalabas ang sex video kung hindi siya magbigay ng apat na milyong piso ba ‘yun? Kaya kilala na ‘to sila sa showbiz.

Nu’ng panahong ng Big Four, sina FPJ at dating pangulong Manila Mayor Joseph Estrada ang kumalaban sa kanila.

Naku! Bumabalik na ba ang ganitong grupo para takutin at i-bully ang mga taga-showbiz? Kaya dapat na magkakaisa talaga ang mga taga-showhiz para hindi sila basta-basta maapi.

Abangan n’yo sa Startalk sa Linggo ang buong detalye ng gulong ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING