Vhong Navarro, reresbakan ni Cedric Lee?

ADVERTISING

Vhong Navarro, reresbakan ni Cedric Lee?

Vhong-NavarroUMALIS PALA si Vhong Navarro pa-Canada, kasama ang iba pang Kapamilya stars para sa show nila roon.

ADVERTISING

Sinamahan nga ito ni Direk Chito Roño dahil siyempre mas kailangan ngayon ni Vhong ng may kasama.

Ipinakita naman ng mga kasamahan ni Vhong ang suporta nila, dahil sa latest development sa kaso niya.

Nakatatakot pa naman ng sinabi ni Cedric Lee nang lumabas ito na “It’s Showtime”. Baka nga naman may binabalak ‘yan. Kaya mabuti na ngang mag-ingat.

ADVERTISING

Kaya sabi rin ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, dapat talaga siyang mag-ingat at natatakot din siya para sa kliyente niya.

Wala naman silang magawa kundi ang magpakatatag, at nagpapasalamat si Vhong dahil sa suporta ng pamilya niya at malalapit na kaibigan.

Basta panghahawakan daw nila ang katotohanan lang at itutuloy raw nila ang laban. Naniniwala naman daw sila na makukuha nila ang hustisya sa ginawa nito sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING