Vhong Navarro, pinuri ni David Bunevacz sa lakas ng loob

ADVERTISING

Vhong Navarro, pinuri ni David Bunevacz sa lakas ng loob

David-Benevacz-Vhong-NavarroNAGLABAS NA rin pala ng statement si David Bunevacz kaugnay sa isyung pambubugbog sa kanya ni Cedric Lee at ng grupo nito.

Napatawad na raw niya si Cedric sa ginawa sa kanya, pero nagpapasalamat din siya kay Vhong Navarro na naging matapang itong inilabas ang lahat at ibinunyag na si Cedric ang may kagagawan.

Siyempre powerful itong Cedric kaya natakot si David at ang buong pamilya niya kaya nag-Amerika na lang sila. Kaya pinuri nila si Vhong sa paglabas ng buong katotohanan.

Sa totoo lang, natatakot din si Vhong, pero marami naman ang sumusuporta sa kanya at binibigyan siya ng assurance na tutulungan siyang maging normal ang takbo ng buhay niya sa kabila ng mga threats na dumarating sa kanya.

ADVERTISING

Sa ngayon, mainit pa itong pinag-uusapan, pero lumamig na ito, dapat talagang mag-ingat si Vhong at bantayan niya ang kanyang mga anak at ang buong pamilya.

Tingnan na lang natin kung saan tutuloy ang kuwentong ito at kung uusad ang mga kasong isinampa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING