Vhong Navarro, pinatay na rin sa facebook

ADVERTISING

Vhong Navarro, pinatay na rin sa facebook

vhong-NavarroHUWAG NA nating ibintang sa kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo ang kumakalat na balita sa facebook na patay na si Vhong Navarro.
Dahil noon pa naman ay kung anu-ano nang kwento sa isyu ang ginagawan ng video at pagkatapos ay uutusan kang i-share ang naturang video link para ma-view mo, pero ang totoo naman ay wala talagang video at gusto lang nitong ma-hack ang FB account mo. Kaya ngayon pa lang, palitan mo na ang password mo bago pa nila sa iyo manakaw ito.
Saka obviously, hindi totoo dahil ‘yung cover pa lang ng video ay may petsa nang January 31 namatay si Vhong eh, Feb.1, dinalaw pa namin ito sa ospital.
Kaya kami ay hindi naniniwala sa pautot na ito ng kung sinumang gumagawa ng virus sa facebook community.
At me usapan kami ni Vhong na ‘pag namatay siya, ite-text niya rin sa akin.

ADVERTISING

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING