Vhong Navarro, nakagagala na

ADVERTISING

Vhong Navarro, nakagagala na

Vhong-Navarro Vhong-NavarroANG PAGKAKAALAM ko, kahapon na nag-submit si Vhong Navarro ng counter-affidavit niya sa Pasig-RTC.

Ito bale ‘yung sagot niya sa complaint nitong Roxanne Cabanero na nagsampa ng kasong Rape laban sa kanya.

Kuwento ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, handang-handa na silang sagutin itong salaysay ni Roxanne dahil wala naman daw basehan. Pagkatapos paiba-iba pa ang statement na binago pa yata nila. Kaya sasagutin ito ni Vhong.

Alam ko, kasabay nito ay magpa-file din si Vhong ng kasong Perjury at Libel laban kay Roxanne dahil nga sa pabagu-bago niyang statement na lumalabas tuloy nakukuwestiyon ang kredibilidad nito.

ADVERTISING

Kuwento pa ng Startalk staff namin, parang nakababalik na raw sa normal si Vhong dahil nakalalabas na ito kasama ang mga kaibigan niya.

Meron na nga raw kaibigan si Vhong na nag-post na magkasama sila at naglaro pa raw sila ng pick-up game.

Siguro puwede nang bumalik sa trabaho si Vhong.

Tingnan na lang natin kung kailan siya babalik.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING