Vhong Navarro, kinaiinsekyuran ni Willie Revillame – Gorgy’s Park

Vhong Navarro, kinaiinsekyuran ni Willie Revillame – Gorgy’s ParkNAKIUSAP NA SI Cristine Reyes na tigilan na ang isyu nila ni Heart Evangelista pero nanganganak nang nanganganak ang intrigang ito dahil meron na naman daw ngayon nagti-text kay Heart na nanggugulo gamit ang pangalan ni Cristine.

Meron pang hanggang twitter daw ay nag-aaway-away na rin daw! Pero walang kinalaman diyan sina Cristine at Heart.

Nagsalita naman si Heart na okay na sila ni Cristine nang magkita sila sa birthday party ni Tita Anabelle Rama.

Sabi nga ni Cristine, siya ang unang lumapit kay Heart at nagpakilala at tapos na raw sana ang isyung ‘yun.

Kaya lang, since may mga pelikula silang pinu-promote, nakakalkal na naman ang isyu at binabalik-balikan.

Pero ang latest, meron na namang nagti-text daw ngayon kay Heart gamit ang pangalan ni Cristine. Naniniwala naman silang hindi nga siya ito at meron lang gustong manggulo.

Ang duda ng ilan, isang artista rin na baka na-link noon kay Dennis Trillo.

Sobrang sarap at ang guwapo naman ni Dennis na ang daming babaeng naiintriga sa kanya.

Dagdag pang kuwento ni Cristine, dati raw ay umiiyak na lang siya at nananahimik kapag ganitong naiintriga siya. Pero ngayon ay palaban na raw siya at hindi na raw siya ‘yung dating umiiyak-iyak na lang sa tabi at hayaan na lang na api-apihin siya.

Siyempre Cristine Reyes na siya, kaya na niyang makipaglaban at makapag-demand kung sino ang type niyang makasama sa trabaho.

NALOKA ANG ILANG staff ng Wowowee at Showtime sa lumabas na isyung kinaiinsekyuran na raw ni Willie Revillame si Vhong Navarro.

Kasi naman hindi madi-deny, mas mataas nang ‘di hamak ang ratings ng Showtime nina Vhong at Anne Curtis kesa sa Wowowee.

Kaya kung anu-anong drama na naman daw ngayon ni Willie na may reklamo ito sa network. Pero iisa lang naman daw ang dahilan nito – hindi na nito nataypang umaalagwa sa ratings ang Showtime na halos dumidikit na nga ito sa Eat… Bulaga!. Pero ang Wowowee, ‘di makagulapay sa katapat na Eat… Bulaga!.

Matagal na naming narinig ang ganu’ng isyu, dahil meron pa ngang isyu nu’ng ilang buwang nawala si Willie sa Wowowee, dapat ay si Vhong ang ipapalit pansamantala pero hindi raw ito inaprub ni Willie kaya nandiyan si Gabby Concepcion at ilang pang pansamantalang nag-pinch hit sa kanya.

Hindi ko lang alam kung aware si Vhong na may ganu’ng feeling si Willie sa kanya.

By Gorgy’s Park