Vhong Navarro, kilala ang babaeng nagkaso ng Rape sa kanya

ADVERTISING

Vhong Navarro, kilala ang babaeng nagkaso ng Rape sa kanya

Vhong-NavarroNAKU! HINDI naman maganda itong kontesera sa mga bikini contest na nagsampa ng kasong Rape laban kay Vhong Navarro.

Hindi pa nagsalita si Vhong tungkol dito, pero hindi naman itinatanggi ng abogado niyang si Atty. Alma Mallonga na kilala ito ni Vhong. Ewan ko lang kung merong naganap, ha?

Pero base sa kuwento nitong Roxanne na nagkaso ng Rape na ginawa raw sa kanya four years ago, nu’ng nangyari ang panghahalay, nasa isang show ni Vice Ganda sa Cavite si Vhong na kung saan isa siya sa mga guests dun. Alas-dos ng madaling araw na yata siya nakauwi kaya paano nangyari ‘yung panghahalay?

Tapos nu’ng araw ring ‘yun, meron daw shoot itong Roxanne sa Gold’s Gym ba ‘yun, kaya saan siya na-Rape?

ADVERTISING

Sabi naman ni Atty. Mallonga, walang kinalaman ito sa mga kasong isinampa niya laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at mga kasamahan nila. Hintayin na lang daw nila ang complaint bago nila ito sagutin.

Sa ngayon, hinaharap muna nila ang preliminary investigation ng mga kasong isinampa ni Vhong sa DOJ. Pagkatapos humarap nina Deniece, Cedric at mga kasamahan nila sa DOJ nu’ng Biyernes, magkakaroon daw uli ng isa pang hearing sa February 28.

Pero baka hindi na sila haharap du’n. Pati yata si Vhong ay hindi pa naman kailangan. Ang gusto na lang nga ni Direk Chito Roño ngayon ay bumalik na si Vhong sa trabaho, kahit nandiyan pa rin ang blackeye niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING