Vhong Navarro, iwas sa usaping kasal!

ADVERTISING

Vhong Navarro, iwas sa usaping kasal!

Vhong Navarro, iwas sa usaping kasal!
Vhong Navarro

AYAW NIYA pagusapan. Ewan ko kung bakit tipid si Vhong Navarro magbigay ng detalye ng kasal nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Tanya Bautista.

ADVERTISING

Ayaw niya patikimin ang entertainment press kung kalian ang kasal nang makausap siya ng entertainment media during the grand presscon ng pelikula niyang Unli Life na mula sa direksyon ni Miko Livelo na produced ng Regal Entertainment.

Matipid ang mga sagot ni Vhong Navarro nang matanong siya kung kailan ang special day.

Sa tagal ng relasyon nila ni Tanya, panigurado ng komedyante-host na “this is the one” ika nga ang babaeng gusto niya pakasalan at makasama sa buhay.

ADVERTISING

Even ang pagpo-propose niya kay Tanya para pakasalan niya ito ay matipid pa rin  si Vhong sa pagse-share.

“Hindi ko pa rin pwedeng sabihin. Basta sinabi ko naman, siya na yung forever ko, e. Kumbaga wala nang iba. Kumbaga bumubwelo na lang ako kung kelan,” sabi niya.

Gusto ni Vhong at Tanya na maging pribado ang kasalan nila. “Gusto niya yung intimate. Gusto niya tatlo lang kami nung pari,” sabi ni Vhong sa mga reporters na nagiinterbyu kung seryoso ba yun o nag bibiro lang.

Vhong Navarro, iwas sa usaping kasal!
Vhong Navarro and Winwyn Marquez of Unli Life

Pero panigurado niya: “Basta kung ano man, kung saan pupunta ito, masaya ako na siya ang kasama ko until now.”

Ang Unli Life na movie ni Vhong ay scheduled for showing sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino mula August 15 to 21. Si Winwyn Marquez ang leading lady ng komedyante at may mahalagang role sa kuwento si Joey Marquez.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING