Vhong Navarro, ineksenahan ng lola ni Deniece Cornejo at ng isa pang ‘rape victim’

ADVERTISING

Vhong Navarro, ineksenahan ng lola ni Deniece Cornejo at ng isa pang ‘rape victim’

Vhong-NavarroISA NAMANG unnerving na eksena ang nasaksihan ng media nitong Huwebes sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Preliminary investigation ‘yon sa kasong rape na isinampa ng umano’y ikatlong biktima ni Vhong Navarro na isang stuntwoman.

Vhong showed up upang ihain at panumpaan ang kanyang rejoinder affidavit. Sa naturang pagdinig na rin naganap ang pagtugon sa ilang clarificatory questions ng piskalya.

Kung tutuusin, kumbaga sa taping o shooting ay sina Vhong at ang nagrereklamong stuntwoman lang ang binigyan ng call slip para sa ‘ika nga’y mga eksenang kukunan lang dapat.

ADVERTISING

Pero saan ka, may mga umekstra’t naglipanang zombie na iniluwa mula sa nitso ng desperasyon, gayong their upper pukengkays had no business heckling at Vhong at the top of their vaginal voices!

Pautot ng eksenadorang Lola Florencia, napadaan lang daw siya. Ang hitad namang si Roxanne Cabanero, nambato ng sun glasses at umiiyak pauwi.

Unsolicited advice sa mga iskandalosang babaeng ito: Pray… for your souls!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING