Vhong Navarro, ineksenahan ng lola ni Deniece Cornejo

ADVERTISING

Vhong Navarro, ineksenahan ng lola ni Deniece Cornejo

Vhong-NavarroUMEKSENA PALA ang lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo! Parang lalo lang niyang idinidiin ang apo niya na in-arraign na nu’ng nagharap sila nina Vhong Navarro sa hearing ng kasong Serious Illegal Detention.

ADVERTISING

Napanood n’yo na naman siguro sa news na pinalabas lang nitong Lola Florencia si Vhong sa korte at nagpakilala ito at sinigiwan na niya.

Sinabihan niyang walang puso at kung anu-anong pambibintang ang mga sinabi niya.

Naku, ‘day! Si Vhong pa ngayon ang walang puso, na sa totoo lang ako ang nahihirapan sa kinakaharap niya ngayon.

ADVERTISING

Matinding pambubugbog ang inabot niya kaya na-trauma ito nang husto. Kaya nga hindi niya halos maharap sina Cedric Lee dahil sa sobrang takot niya, at bumabalik sa alaala niya ang nangyari sa kanya.

Isipin mo, hindi lang ‘yan isa, kundi marami pang hearing na maghaharap sila, at ikukuwento ni Vhong ang nangyari sa kanya at kung ano ang mga ginawa sa kanya nina Cedric.

Sabi ng Startalk reporter namin, ilang oras ang hearing na ‘yun nu’ng Martes, pero hindi pa gaanong umuusad ang kaso dahil sa dami ng mga ebidensya at witness na ipi-present ng kampo ni Vhong at ganu’n din ang kina Cedric at Deniece.

Kaya matagal daw talaga ang hearing na iyan na malamang aabot pa ng susunod na taon.

Kaya kung hindi papayagan ng korte na magpiyansa ang mga akusado, sa kulungan sila magpa-Pasko. Hay, naku! Mahirap din ‘yan, at tingin ko, maraming twist na mangyayari riyan lalo na kung maglabasan pa ng ibang mga inakusahan.

Pagdating du’n sa paninigaw ni Lola FLorencia kay Vhong, ayaw nang magkomento pa ng aktor at pati ang abogado nitong si Atty. Alma Mallonga.

Ayaw na nilang palakihin pa ito. Mas tahimik, mas mainam dahil mas gusto nilang manahimik para hindi makaapekto sa kaso.

Kaya lang, sa susunod na hearing, ano kaya kung sumama naman ang lola ni Vhong o ang ina niya at sigawan din niya sina Cedric at Deniece? Palalagpasin din kaya ito ng korte?

Hay, naku! Panoorin n’yo na lang sa Startalk ang paglalahad sa mga nangyari sa kasong ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING