Vhong Navarro, ‘di pa rin nawawala ang takot

ADVERTISING

Vhong Navarro, ‘di pa rin nawawala ang takot

Vhong-NavarroAkala ko, everthing is ok na sa mundo ni Vhong Navarro. May takot pa rin palang nararamdaman ang komedyante sa buhay niya matapos maranasan ng pananakit mula sa grupo nina Cedric Lee. Kaya pala may nakabuntot sa kanya na dalawang security in civilian uniform, dahil may panganib pa rin pala sa buhay ng Vhong Navarro.

May pag-aalinlangan pa rin ang komedyante sa buhay niya na puwedeng malagay sa panganib lalo pa’t ang kaso na isinampa niya lahat sa grupo ni Cedric Lee, hindi pa nahahatulan ng korte at nakalabas sa pamamagitan ng bail na dahil dito, malaki pa rin ang takot niya na baka maulit muli ‘yong pangyayari sa kanya na iniwanan siyang black and blue matapos mabugbog-sarado.

Alam niya, ang mga tao, parang ipis na lang kung pinapatay. Aminado ang aktor na hanggang ngayon, hindi pa rin daw nawawala ang nararamdaman niyang takot.

Sabi niya sa interview namin sa kanya sa MMFF 2015 Entry niya na “Buy Now, Die Later” na isang horror-comedy ang genre, “Hindi naman nawawala ‘yung takot. Pero kasi, ang paniniwala ko sa Panginoon, ibinibigay ko na sa kanya lahat, eh. Kung kailangan na ba akong kunin, eh, wala tayong magagawa, hindi natin mapipigilan ‘yon. Basta ang pananampalataya ko nasa Kanya,” pahayag pa ni Vhong.

ADVERTISING

Pero may balitang nais na rin ng kampo ni Cedric na makipag-ayos sa kanya. Pero sabi ng komedyante, “Ang sarap sanang magsalita. Ang sarap magsabi ng kung ano ‘yung mga nararamdaman ko. Ang hirap lang, kasi may gag order tayo. Kumbaga, ‘yon ay mga hindi pupuwedeng masabi kasi baka maapektuhan naman kami. Tuloy pa rin naman ‘yung kaso.”

Sa diretsahang salita, walang amicable settlement. In short tuloy pa rin ang kaso at paghahanap ni Vhong ng hustisya sa nangyari sa kanya. Pansamantala, naniniwala si Vhong na ang totoo ang siyang mananalo sa laban. Ayaw na niyang pangunahan ang korte. How ironic. Ang galing magpatawa ni Vhong, pero ang buhay niya, may takot pa rin.

Sa horror comedy entry ng Quantum Films, makakasama ni Vhong sina Alex Gonzaga, Lotlot de Leon, at TJ Trinidad sa direksyon ni Randolph Longias.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING