Vhong Navarro, ‘di makikipag-ayos sa grupo ni Cedric Lee

ADVERTISING

Vhong Navarro, ‘di makikipag-ayos sa grupo ni Cedric Lee

Vhong-NavarroWALA NAMANG bago ang mga nadatnan kong isyu rito. Mahigit sampung araw rin kaming nawala ni Lorna Tolentino, dahil sa biyahe namin sa Germany.

Ganu’n pa rin ang away nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, at nabuhay na naman ang kaso nina Vhong Navarro at Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa.

Hindi pala sinipot ni Vhong ang huling hearing nila sa Taguig Regional Trial Court dahil may ibang witness pa raw na isinalang at hindi naman daw siya kailangan doon.

Pero sa August 4 pala, may mediation sila sa kasong Grave Coercion at kailangang harapin daw ‘yun ni Vhong.

ADVERTISING

‘Yung unang mediation kasi hindi sinipot ni Vhong, na mabuti naman dahil nag-drama na naman doon ang lola ni Deniece. Eh, ‘di mapapahiya na naman doon ang aktor!

‘Etong pangalawa sa August 4 ay hiling daw talaga ng mediator na dapat siputin ni Vhong. Pero obvious namang ayaw makipag-ayos ni Vhong sa kanila, bakit pa siya sisipot?

Kaya hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa ni Vhong kung sisiputin ba niya ito.

Gusto talagang ituloy ni Vhong ang kaso, at dapat na panagutan ito nina Cedric at ng grupo niya kaya malaki ang pasasalamat niya sa mabilis na pag-usad ng kaso.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING