Vhong Navarro, ‘di maiwasang maalala ang hirap bago naging sikat na dancer

Vhong Navarro, ‘di maiwasang maalala ang hirap bago naging sikat na dancer

Vhong-NavarroNAGBALIK SA alaala ni Vhong Navarro ang nakaraan niya bilang isa sa dance masters sa bagong original dance show ng Dos, ang Dance Kids. Kasama ni Vhong sina Georcelle Dapat-Sy and Andy Alviz bilang dance master.

“Ako kasi, nakare-relate din ako sa mga bata na hindi nakapag-aral sa formal dance school. Ako kasi, laki ako sa kalye. Nagre-rehearse ako sa kalsada at nahihinto kayo kasi baka masagasaan kayo. Ipo-pause mo muna ang radio at saka mo na lang itutuloy. Kumbaga, na-experience po namin ang mga ganoon, alam natin na ang mga bata, kinapos para makapag-aral dahil walang budget. Ang iba talaga ay nanonood sa Youtube or magpa-practice sa damuhan,” say ni Vhong.

“Nakare-relate ako roon sa mga batang alam nating may pagkukulang pagdating sa pera. At iyon ang advantage ng ating dalawa pang dance masters na nag-aral po for proper training,” dagdag pa niya.

Dance Kids will premiere tomorrow, Saturday, and it is being hosted by Alex Gonzaga and Robi Domingo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas