Vhong Navarro, delikado sa piyansa ni Cedric Lee?

ADVERTISING

Vhong Navarro, delikado sa piyansa ni Cedric Lee?

Vhong-NavarroNAKIKITA MO talaga ang suporta ng lahat kay Vhong Navarro pagkatapos lumabas ang desisyon ng korte na puwedeng mag-bail sina Cedric Lee, Zimmer Raz at Deniece Cornejo. Kaya pansamantalang nakalaya sila habang dinidinig ang kaso. Pero siyempre matagal pa ‘yan kaya malaya silang makagawa kung ano ang gusto nilang gawin.

ADVERTISING

Kaya nag-aalala ang lahat na mga nagmamahal kay Vhong, dahil alam n’yo naman kung sino ang mga kalaban niya.

Pero sa social media ay naglabas ng suporta ang fans ng actor/TV host at pati mga kaibigan ay nand’yan at nagpahayag din ng kanilang saloobin para kay Vhong.

Hindi pa namin nakausap ang kampo ni Vhong. Kukunan pa namin ng pahayag ang abogado niya kung ano ang susunod nilang gawin.

ADVERTISING

Nakakaloka lang dahil laging nasa news ang mga host ng It’s Showtime. Katatapos lang magbigay ng statement si Billy Crawford sa kanilang programa, ngayon naman ay si Vhong ang susunod na pag-uusapan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING