Vhong Navarro at Cedric Lee, nagkita sa bar ni Vice Ganda

Vhong Navarro at Cedric Lee, nagkita sa bar ni Vice Ganda

Cedric-Lee-Vhong-NavarroPINAG-UUSAPAN SA Startalk studio nu’ng nakaraang Sabado ang pagkikita nina Cedric Lee at Vhong Navarro nu’ng nakaraang Biyernes ng gabi.

Nangyari raw ito sa opening ng bagong bar na The Valkyrie Palace na isa pala sa mga investors nu’n si Vice Ganda.

Siyempre imbitado ni Vice ang ka-grupo niya sa It’s Showtime, kabilang dun si Vhong.

Base sa kuwento ni Tony Calvento na ipinost nito sa Facebook account niya, pagdating daw nina Vhong kasama si Billy Crawford, may bumulong daw kay Vice na nandu’n si Cedric sa bandang likuran nila.

Hindi kasi nakilala ni Vice si Cedric dahil hindi naman daw niya akalaing darating du’n ang negosyante.

Ayon sa kuwento ni Tony, wala raw sa guest list si Cedric kaya nagulat daw talaga si Vice bakit nandu’n siya.

Hindi naman daw nagkaroon ng gulo, pero hindi maiwasang nagkatensyon siyempre. Kaya umalis na lang daw si Vhong.

Hinatid pa nga raw ni Vice sina Vhong hanggang kotse. Pagbalik daw niya, hindi na rin daw niya nakita si Cedric.

Mabuti at walang gulong nangyari, dahil siguro maingat na rin sila.

I’m sure takot na takot pa si Vhong, dahil halos ayaw nga niyang makita ang grupo ni Cedric sa korte.

Tingin ko naman diyan si Cedric mag-iingat din dahil kung ano man ang mangyari kay Vhong, siya siyempre ang ituturo.

Pero dinig ko may mag-aayos sa dalawa na tapusin na lang ang kaso. Pero ewan ko lang ha? Mahirap yatang ayusin ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis