Vhong Navarro, bumabalik ang trauma tuwing nakikita ang grupo ni Cedric Lee

ADVERTISING

Vhong Navarro, bumabalik ang trauma tuwing nakikita ang grupo ni Cedric Lee

Vhong-NavarroNALOLOKA NA raw si Vhong Navarro dahil hindi pa pala tapos ‘yang hearing nila na Judicial Dispute Resolution kaugnay sa kasong Grave Coercion na isinampa niya laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at sa mga kasamahan niya.

Kailangan kasi talaga nilang magharap sa korte para sa prosesong Judicial Dispute Resolution.

Sila lang daw ang nandu’n wala ang mga abogado nila. Mabuti at pinayagan daw si Vhong na magsama ng isang kamag-anak niya dahil nand’yan pa rin talaga ang trauma sa kanya tuwing nakikita n’ya itong mga taong nambugbog sa kanya.

Hindi maikuwento ng mga abogado nila kung ano ang nangyari sa kanilang JDR dahil confidential ito. Pero magkakaroon pa raw uli ng dalawang araw na JDR hearing para matingnan ng korte kung kaya pa bang ma-settle sila.

ADVERTISING

Naka-schedule ang hearing sa September 4 at sa October 2.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING