Vhong Navarro, balak nang pakasalan ang GF? Hot Topic

ADVERTISING

Vhong-Navarro-Tanya-BautistaBALAK NA bang pakasalan ni Vhong Navarro ang long-time girlfriend niyang si Tanya Bautista?

Sa live interview kasi sa kanya sa Aquino & Abunba Tonight kagabi, April 16, tinanong ni Boy Abunda ang star ng Da Possessed kung nakikita ba niyang sa kasalan na mauuwi ang kanilang relasyon, sinabi ni Vhong na: “Gusto ko lang sabihin na wala na akong hahanapin pa kay Tanya. At gusto ko, siya na makasama ko habang-buhay.”

Matatandaang sa kainitan ng isyu ng pambubugbog umano ng grupo ni Cedric Lee kay Vhong, nasa tabi lang ng komedyante ang girlfriend. Sa kabila ito ng pag-amin ni Vhong na nakipagkita siya kay Deniece Cornejo kaya nangyari ang insidente at may naganap pa umanong oral sex.

Inilarawan pa ni Vhong ang relasyon nila ngayon ni Tanya na “ang sarap”. “Parang, sabi ko nga, bestfriend ko rin pala siya. Kasi before, parang ang lagi ko lang focus doon sa mga kaibigan ko talaga.

“Kumbaga, this time mas nakita ko, mas naramdaman ko, na hindi lang pala talaga siya girlfriend ko lang. Hindi lang siya ‘yung makakasama ko habang-buhay. Siya rin pala ‘yung best friend ko,” sabi ni Vhong.

ADVERTISING

Idinagdag pa ni Vhong na matapos ang kontrobersiya kaugnay kay Deniece, gumagawa siya talaga ng paraan para patunayan kay Tanya ang kanyang katapatan dito.

“Sobrang sinasabi ko ‘yon. Oo naman, kasi pinagbigyan niya ako. Kaya nga sobrang sising-sisi ako na nagawa ko sa kanya ‘yon. Ngayon, ‘yung telepono ko, ayan na,” sabi niya.

By Parazzi Reportorial Team

ADVERTISING