Vhong Navarro, ayaw tantanan ng detractors

ADVERTISING

Vhong Navarro, ayaw tantanan ng detractors

Vhong-NavarroAYAW TANTANAN si Vhong Navarro ng detractors niya. Tuloy ang kaliwa’t kanang issues na ayaw siyang tigilan. Heto’t matapos ang dalawang “rape” complainant na nag-aakusa sa kanya, may pangatlo naman na nagpakilala sa media tungkol sa diumao’y panggagahasa na ginawa sa kanya ng komedyante.

ADVERTISING

Sabi, orchestrated din daw ang pangatlo ng grupo ni Cedric Lee na hindi nakalusot sa mga alibi at depensa nila sa pambubugbog kay Vhong.

Pero sa kabila ng denials na sa “rape” ni Vhong sa tatlong babae, lalabas din ang katotohan sa bandang huli. As long as walang galamay na magmamaniobra, the truth will come out and prevail in the end at ang tunay na may kasalanan ay mapaparusahan.

Ngayong Semana Santa, sana magmuni-muni ng mga taong involved sa kaso. ‘Yong mga may kagagawan ay ma-enlighten sana na sa Linggo ng Pagkabuhay, may realization na sila to come out in the open to speak the truth.

ADVERTISING

Sa Sabado de Gloria (April 19), palabas ang Da Possessed na masasabing comeback movie ni Vhong after the tragic na kaganapan sa kanyang buhay.

Sana after the Lenten Season, this will resurrect Vhong from the pain and anguish na magpasahanggang ngayon, bangungot pa rin ang nangyaring pananakit sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING