Vhong Navarro at longtime girlfriend nagpakasal sa Japan

ADVERTISING
Leo Bukas

KASAL NA si Vhong Navarro sa girlfriend niyang writer na si Tanya Bautista!

Ikinasal ang dalawa nitong Huwebes, Nov. 28 sa Kyoto, Japan. Dinaluhan ito ng kanilang mga kaibigan including John Lloyd Cruz na kitang-kita sa photo, Billy Crawford at mga kasamahan niya sa programang It’s Showtime.

Vhong Navarro at longtime girlfriend nagpakasal sa Japan
Vhong Navarro marries Tanya Bautista

Sa pagkakaalam namin ay matagal nang plano noon ni Vhong na pakasalan ang long time girlfriend kaya lang ay nagkaroon ng problema ang actor  dahil sa kaso noon laban kay Deniese Cornjeo. Hinintay muna ng comedian na maging maayos ang lahat bago siya nag-propose sa kasintahan.

Sa post ni Kim Atienza sa kanyang Instagram account ay ipinasilip nito na naglalakad si Tanya sa aisle habang sinasalubong  ni Vhong.

Bago pa ang kasalan ay nag-post din si Vhong ng series of beautiful pictures sa kanyang Instagram na tila mga prenup photos nilang dalawa ni Tanya.

ADVERTISING
Vhong Navarro at longtime girlfriend nagpakasal sa Japan
Vhong Navarro and Tanya Bautista Pre-nuptial Pictorial

“Mag kamukha daw tayo sabi ng iba, ikaw daw ang babaeng version ko sabi ng iba. Saan pa ba yun papunta? Iba ka!” caption pa ng aktor.

Best wishes and congratulations, Vhong and Tanya!

ADVERTISING