Veteran stand-up comedienne, namili ng kama sa department store nang walang dalang cash o credit card!

ADVERTISING

NALOKA ANG staff ng isang store ng mamahaling kama nang maging costumer nila ang isang veteran stand-up comedienne.

When she entered kasi ay pinalipat niya ang radio station na pinatutugtog ng mga sandaling iyon. Nakokornihan kasi siya sa mga joke.

ADVERTISING

Namili ang comedienne ng kama para sa condo na pauupahan niya. Nang makapili na siya, nag-request kaagad ang hitad na ipa-deliver the next day ang kanyang napiling kama, something that is against the store’s policy. But since kilala siyang celebrity ay pinagbigyan naman ang request niya.

Ang nakakaloka, wala palang dalang cash at credit card ang hitad. Nag-promise lang siya na babalik sa umaga para magbayad using her credit card.

By Alex Brosas

ADVERTISING

 

 

ADVERTISING