Veteran actress Gina Pareno Tiktok ang naging panlaban sa pandemya

Leo Bukas

AYON SA veteran actress na si Gina Pareno, malaking tulong sa kanya ang Tiktok para huwag mabalie sa panahon ng pandemya. Kung hindi raw niya ito ginawa ay baka tuluyan na siyang nabaliw.

“Nabaliw ako last year kasi hindi ako nakakaarte, so nag-TikTok ako,” pagtatapat ni Gina na isa sa lead stars ng pelikulang Tililing.

Veteran actress Gina Pareno Tiktok  ang naging panlaban sa pandemya
Gina Pareno

Patuloy niya, “Nakakaarte ako sa kuwarto ko, sa bahay. Eh, di nakaraos ako, hindi na ako baliw ngayon. Nakaka-communicate ako sa kanilang lahat kaya masarap sa pakiramdam yon. At least, nakakaarte ka.”

May 1.6 million followers at 3 million accumulated views na si Gina sa Tiktok. Nakikipagsabayan siya sa iba pang showbiz personalities na pinasok na rin ang pagti-Tiktok.

When asked kung meron na ba siyang ginawang kabaliwan noon sa buhay niya when it comes to decision making, aniya wala daw siyang natatandaan.

“I don’t think na may nagawa akong kabaliwan sa buhay ko. Hindi ako nababaliw sa pag-ibig. Dahil mahal kita, walang baliw don. Talagang honestly mahal kita,” paliwanag niya.

Nagpasalamat naman ang beteranang aktres sa pagpapahalagang ipinakita sa kanya ni Direk Darryl lalo pa nung sabihin nito na dream come true na makatrabaho niya ito sa isang project.

“Maraming salamat Direk. Sobra akong natutuwa nakatrabaho kita. Ang taba ng utak mo. You’re one of the best directors na nakasama ko,” papuri niya sa Tililing director.