Venus Raj, takot magparetoke

ADVERTISING

Venus Raj, takot magparetoke

Venus-RajVenus-RajMAY DALAWANG bagay na hindi kayang gawin ni Venus Raj – ang magparetoke at mag-pose nang sexy for a men’s magazine.

“Ako po lagi kong sinasabi when it comes to pagpapaganda physically ay okay lang ‘yon. Kung tatanungin ako ng opinion ko para sa ibang tao, lagi kong sinasabi na okay lang ‘yun hangga’t masaya sila sa kinalalabasan. Kung ‘yon ang nagpapa-confident sa kanila, sige lang,” chika ni Venus nang matanong kung willing siyang magparetoke sa aming interview para sa show niyang “Business Flight”, a travel-documentary show she is co-hosting with Cristina Decena on GMA News TV which will start airing March 23.

Wala namang issue kay Venus kung may beauty queens na nagpaparetoke. “Napakarami ng countries na okay lang ang pagpaparetoke. Choice rin ‘yon ng tao na magpapagawa. Kung masaya sila roon okay. Ang lagi ko lang sinasabi is to make sure na kung ano ang pinabago mo sa mukha mo o katawan mo ay hindi niyon babaguhin ang pagkatao mo kasi once na binago niyon ang pagkatao mo ay hindi ka na makikilala ng tao sa kung sino ka. Makikilala ka nila sa kung ano ‘yung naging ikaw after ng may pinagawa ka.”

Pero siya, hindi niya magawang magparetoke kasi “natatakot po kasi ako sa ganoon. Hindi ko po alam ang (epekto). I’m scared kasi baka hindi ako makapagpadede in the future. Baka ‘yung mammary glands ay maapektuhan.”

ADVERTISING

Ayaw rin niyang mag-pose for men’s magazine. “Wala pa (akong offer) at ayoko rin po.”

Although nirerespeto niya ang men’s magazine as “this is something that’s very huge in our country and there’s so many women who want to be the cover for that magazine,” hindi siya handang magpaseksi sa mag.

“Siguro kung darating ‘yung pagkakataon na ‘yon… nirerespeto ko po sila pero hindi po muna siguro o hindi talaga at all kasi gusto ko kapag nagkaroon ako ng pamilya in the future at makita nila ang larawan na lumalabas sa akin ay respetuhin pa rin nila ako.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING