Vangie Labalan, saludo sa husay ng mga beki

ADVERTISING

Vangie Labalan, saludo sa husay ng mga beki

Vangie Labalan with the cast of Conan My Beautician
Vangie Labalan with the cast of Conan My Beautician

Very inspiring at napapanahon ang mga salitang binitawan ng mahusay at bete­ranang aktres na si Vangie Labalan tungkol sa bagong programa ng GMA na “Conan My Beautician” kung saan isa sa cast si Tita Vangie Labalan.
Nabanggit ni Tita Vangie na sa mga nangyayari ngayon, lalo na’t kamakailan lang, halos 50 katao ang namatay sa Orlando, Florida, USA, ay maihahatid at maipauunawa ng “Conan” ang mensahe kung papaano ang mundong ginagalawan ng ating mga kapatid sa LGBT community.

ADVERTISING

“Maipakikita ng programa kung gaano kahalaga ang usapin tungkol sa mga LGBT sa ating lipunan para na rin mas maunawaan ito ng mas maraming tao. Saludo ako sa mga beki.

“Actually marami akong kaibigang beki at talaga namang nag-e-enjoy akong kasama sila. At alam naman natin na maraming mga beki ang talaga namang successful sa kani-kanilang propesyong ginagalawan.”

Masaya nga raw si Tita Vangie na mapasama sa nasabing show na pinagbibidahan ni Mark Herras bilang Conan at ni Miss World Megan Young na kanyang leading lady.

ADVERTISING

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING