Valerie Concepcion relates to Andi Eigenmann’s situation

ADVERTISING

 

Valerie Concepcion relates to Andi Eigenmann’s situation

ADVERTISING

Valerie Concepcion relates to Andi Eigenmann’s situationSA SET NG Asiong Salonga sa Pagsanjan, Laguna, ang naitanong kay Valerie Concepcion ng press na dumalaw roon ay kung ano ang masasabi niya sa kalagayan ngayon ni Andi Eigenmann na minsan na rin niyang dinaanan.

Sabi naman ni Valerie eh, naka-relate naman siya when she heard about it.

Sa pagbabalik-alaala nga ni Valerie, napangiti ito. Kasi, she was sixteen years old lang that time. Si Andi naman ay 21 na.

ADVERTISING

Pero nang isilang daw niya si Fiona, lahat ng mga agam-agam niya sa buhay eh, naburang lahat. Kasi nga, nang mabuntis si Valerie, ang buong akala niya eh, sa kasalan mauuwi ang lahat sa kanyang non-showbiz boyfriend. Hindi pala.

“Kaya, happy ako nu’ng mabalitaan ko na itinuloy ni Andi ang pag-aalaga sa baby sa kanyang sinapupunan. At paninindigan niya. Isa ako sa naniniwala na dahil mahusay siyang artista eh, may puwang pa sa kanya ang showbiz na mababalikan niya. Bumuhay siya ng tao. And she will be blessed.”

Sa past naman ni Valerie, she was head-over-heels in love daw sa ama ng kanyang anak. At wala nga sa hinagap niya na mawawala ito sa buhay niya. Kaya, she turned her attention na lang sa batang dumating sa buhay niya para patuloy na maging blessing sa kanya.

Hiningan si Valerie ng maia-advice niya if ever kay Andi.

“Nakikita ko naman na very strong si Andi. I-continue lang niya ‘yun. At laging isipin na ang anak eh, regalo pa rin sa atin ng Panginoon. So, live with no regrets. Ako, walang pinagsisihan. May dahilan ang lahat.”

 

HINDI NAMAN ITINATAGO ni Je-richo Rosales na dati siyang kargador at tindero sa palengke.

Kaya sa bagong palabas na I Dare You! muli nitong babalikan ang mga ginawa niya in the past, kasama sina Melai Cantiveros at Iya Villania, kung saan sila ang magiging hosts ng nasabing reality show. Sa pilot episode ay sina Alessandra de Rossi at Gab Valenciano ang kanilang makakasama.

Ano ang goal ng show? Ang ilapit ang mga artista sa ordinaryong mga tao at samahan ang mga ito sa mga pagsubok na kinakaharap nila sa buhay. Kaya, sa isang depressed area sa Isla Pulo unang sumalang si Echo, sa isang lumulutang na isla ng basura kung saan walang kuryente at nabubuhay ang mga tao na uling ang ginagamit. Sa loob ng dalawang araw. Kaya alam daw ni Echo na hindi lang dadaan sa palad niya ang nasabing palabas dahil mas mae-enhance pa nito ang pagkatao niya.

So, hindi pala true na lilipat na siya sa TV5?

“Hindi ako lilipat. I’m due for signing again ng new contract with ABS-CBN. Natapos na ‘yung unang contract kaya parang na-ging freelancer ako. Then, nagpunta ako ng New York, so ngayon pa lang ito maiaayos. Hindi ba, there was a time na naging depressed din naman ako kaya ayoko munang mag-TV, kahit pelikula. And now, I wouldn’t deny na may mga offers naman na dumating to go somewhere else. Pero one thing na hindi ko gagawin is to slap ABS-CBN.”

Bakit hindi natatapos ang tsikang may communications pa sila ng ex niyang si Heart Evangelista?

“Dahil may mga common friends kami, parating na lang ng pangungumusta ang nangyayari. ‘Hi’ lang. At wala ng dapat na maging issues sa amin. Wala naman akong masamang intensiyon. And Heart will always be very special in my heart. Kung ano ang nagdaan sa amin, tapos na ‘yun. I’m trying to move on. Marami ng bagong chapters na dumating.”

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING