VALERIE CONCEPCION, NAGMUKHANG STARLET SA TABI NI RUFFA GUTIERREZ!

ADVERTISING

VALERIE CONCEPCION, NAGMUKHANG STARLET SA TABI NI RUFFA GUTIERREZ!MARAMI ANG NANIBAGO sa hitsura ni Valerie Concepcion last Sunday nang mapanood siya bilang isa sa talent scout ng number one talent search ng bansa na Talentadong Pinoy. Kami man nga, sa unang tingin ay hindi namin agad siya nakilala.

Parang nag-mature ang kanyang hitsura. ‘Yong iba naman, ang sabi, nagmukhang starlet siya sa kanyang ayos. To think na katabi pa mandin niya si Ruffa Gutierrez na kahit 18 years ago na ang nakalipas since nakapuwesto ito bilang second runner sa Miss World ay beauty queen pa rin ang dating.

ADVERTISING

May mga nagtatanong din, bukod sa kanyang make-up, sino raw ba ang nag-style sa hair ni Va-lerie. Kasi kitang-kita sa camera kapag ipinu-focus ang mukha niya ‘yong mga naglalaglagang hairpin sa right side ng ulo niya.

Ano ba ‘yon?

Tungkol pa rin kay Valerie, usap-usapan sa sirkulo ng mga movie reporters ang tungkol sa umano’y press release ng manager niyang si Becky Aguila na inialok daw rito ang title role sa Babaeng Hampaslupa. Eh, mismong ang pamunuan naman daw ng TV5 ang nagsasabi na talagang si Alex Gonzaga at wala nang iba pa ang first choice na magbida rito.

ADVERTISING

Ayon pa sa ilang executives nga raw ng Kapatid Network, totoo raw na may inialok din kay Valerie. Pero supporting role at hindi ‘yong mismong character na ginagampanan ni Alex.

Sayang din. Sana tinanggap na rin daw nga ito ng manager ni Valerie para may pagkaabalahan naman ito ngayon matapos mamaalam ang Pilipinas Win Na Win na siyang huling hosting job nito sa ABS-CBN.

Huwag na raw mag-expect pa ng pangbidang papel for Valerie kung wala namang offer. Mas mabuti nang may trabaho kahit pa-support-support lang kesa naman nga raw wala at all.

‘Yun na!

LAST SATURDAY, NAKABALIK na ulit sa paghu-host si Willie Revillame sa game show niyang Willing Willie. Isang linggo rin siyang nawala. Nagkaroon daw kasi ng konting problema sa kanyang katawan dahil sa sobrang pagod nitong mga huling araw, kaya in-advice daw siya ng mga tumingin sa kanyang doktor na magpahinga muna.

Parang bateryang na-recharged ang TV host sa muling pagbabalik niya sa kanyang programa. Punong-puno na naman ng sigla sa muli niyang pagbibigay ng saya sa mga masugid na tagasubaybay ng Willing Willie. Mukha rin siyang inspirado.

Dahil kaya ‘yon sa co-host niya sa show na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad? Matindi na kasi ang hinala ng marami na nagkakamabutihan na sila dangan at ayaw pa lang daw sigurong umamin ng dalawa.

Reaksiyon naman ni Willie who just turned 50 nga recently, “Basta masaya ako sa buhay ko ngayon, tapos. Hindi ko na kailangang isa-isahin pa ang dahilan. Hindi ko puwedeng i-explain kung bakit ako maligaya. Ito ang nararamdaman ko, sa kabuuan, sobrang ligaya ko. At sobra ang blessings sa buhay ko. Sa personal, masaya rin ako. Basta masaya ako sa lahat. Pero kung tungkol sa lovelife, sa akin na lang. Kung meron man akong pagbibigyan ng aking pagmamahal, sa akin na lang ‘yon.”

Eh, meron pa nga bang ibang puwedeng pag-ukulan niya ng kanyang pagmamahal ngayon kundi si Shalani lang nga?

“Si Shalani? First lady talaga ‘yan. Pang-first lady siya. Ibig sabihin niyan, ‘pag napangasawa mo siya talaga, ‘yan ang perfect wife para sa kung kaninuman na magiging asawa niya. Kung kanino man siya mapunta, perpektong asawa siya talaga.”

Ayaw magsalita ni Willie sa estado ng lovelife niya ngayon. Gano’n pa man, kung halimbawa raw na magkakaroon siya ng bagong karelasyon talaga, hindi naman daw niya ito ililihim.

“Malalaman n’yo. Ako na mismo ang magsasabi sa tao. Hindi ko naman itatago. Kung may karelasyon ako, sasabihin ko. Malalaman din ng lahat.”

So kung gano’n, hindi pa nga sila talaga ni Shalani. Nanliligaw pa rin at hindi pa siya sinasagot nito? Ganyan?

VALERIE CONCEPCION, NAGMUKHANG STARLET SA TABI NI RUFFA GUTIERREZ!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING