Valentine a.k.a Mr. Payong, artista na rin sa bagong pantaserye ng Siyete

ADVERTISING

Valentine a.k.a Mr. Payong, artista na rin sa bagong pantaserye ng Siyete

Valentine
Valentine

Artista na rin si Mr. Payong, ‘yong karakter sa TV commercial ng isang detergent bar na nakaputi na ayaw marumihan ang suot habang naglalakad sa maputik na daan.

Yes, kabilang siya sa cast ng “Tsuperhero” ng GMA, kung saan bida ang magka-love team na sina Bea Binene at Derrick Monasterio.

Dati palang TVC director si Valentine (no screen name) at graduate ng UP Diliman bago sumali sa hanay ng mga artista ng GMA Artists Center, kung saan may one year contract siya as a talent.

He plays the role of Poldin (na isang cook) sa bagong Sunday afternoon paandar ng Kapuso Network na magsisimula na sa November 6.

ADVERTISING

As a TVC director, naidirek na rin niya sina Judy Ann Santos para sa isang food chain na kilala sa kanilang cakes at mamon at sa kanilang fresh lumpia.

Ayon kay Valentine, halaw ang TVC niya sa isang karakter ng isa ring commercial sa India, at ang ginawa niyang patalastas ay ginamit na rin sa promotion ng naturang sabong panlaba sa Malaysia, kung saan ang mukha niya ang nakabandera at naka-dub in Malay language.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING