Upgrade, pangungunahan ang P-Pop Boy Groups On Tour

Upgrade, pangungunahan ang P-Pop Boy Groups On Tour

Upgrade
Upgrade

Pangungunahan ng Internet Sensation at isa sa most sought after group endorsers na Upgrade na kinabibilangan nina Casey Martnez, Rhem Enjavi, Armond Bernas, Mark Baracael, Miggy San Pablo, at Iva Lat ang pagsasama sama ng Pinoy boy groups entitled P-Pop Boy Groups On Tour na magaganap sa May 28 sa Star Mall Las Piñas at 4pm.
Ang Upgrade ang maituturing na most awarded boy group sa bansa at may pinakamaraming endorsement among boy groups. Ilan dito ang Cardam Shoes, Hea Watch (UniSilver Time), Crew8 Salon, Royqueen Gadgets, Ysa Skin Experts, at Aficionado Germany Perfume. Naging ambassador din sila ng MyPhone, Headway Vera Salon, Rescuederm, at Mogu Mogu Manila.
Nakapag-solo concert na rin sila sa Music Museum at meron na rin silang album. Naging part din sila ng mga shows na “Walang Tulugan with the Master Showman” at TV 5’s “Spinnation”.
Bukod sa pagiging member ng Upgrade, may kanya-kanyang projects din ang mga ito, kung saan minsan na ring napasama sa mga teleserye sina Mark, Casey, Ivan, Armond, at Miggy. May mga commercial ding nagawa ang ilan sa mga ito like si Mark na nakasama si James Reid sa Master by Eskinol at Pizza Hut.

John’s Point
by John Fontanilla