Upgrade, dinumog ng libu-libong fans sa kapistahan ng Bambang, Nueva Viscaya

ADVERTISING

Upgrade, dinumog ng libu-libong fans sa kapistahan ng Bambang, Nueva Viscaya

Upgrade
Upgrade

Naging matagumpay ang show ng tinaguriang Trending Cuties at Internet Group Sensation na Upgrade sa kapistahan ng Bambang, Nueva Viscaya na ginanap last April 15, hatid ng TM at ng HEA Watch.
Mistulang nag-concert ang Upgrade na kinabibilangan nina Miggy San Pablo, Casey Martinez, Rhem Enjavi, Armond Bernas, Mark Baracael, at Ivan Lat sa kanilang production number ng N’Sync medley.
Kinilig nang husto ang mga kababaihan ng Bambang nang haranahin ng grupo ang anim na kababihan sa nasabing lugar sa awiting “Simpleng Tulad Mo” ni Daniel Padilla.
Inawit din ng Upgrade ang kanilang carrier single na “Because of You” mula sa kanilang debut album na “UPGRADE Unstoppable”.

Nagpapasalamat ang grupo sa pamunuan ng TM na sina Sir David at Ma’am Jack at kay Ms. Rosiebeth Padua ng HEA Watch/ UniSilver Time.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING