The Unfinished Onscreen Business: Antoinette-Dingdong-Tanya

ADVERTISING

The Unfinished Onscreen Business: Antoinette-Dingdong-Tanya

Antoinette-Taus Dingdong-Dantes Tanya-GarciaLAST WEEK ay pumirma ng panibagong kontrata sa Viva ang dati nilang pambato sa teen flicks na si Antoinette Taus. Para sa readers natin na KathNiel at JuliElmo na ang nakagisnang loveteam, si Antoinette Taus ang kauna-unahang nakapares ni Dingdong Dantes. For a time, ang tambalan nila ang kinabaliwan ng young viewers ng GMA-7.

 
Unang pinagtambal sina Antoinette at Dingdong sa AnnaKareNina, kung saan bida rin sina Sunshine Dizon at Kim delos Santos. Nakatutuwang isipin na ang three loveteams na binuild-up sa programang iyon ng Siyete ay naging magkapares din in real-life for a time. Remember ShinePolo and KimDino? Kung hindi kayo maka-relate, either maka-ABS talaga kayo or you were too young!
Sina Antoinette at Dingdong din ang namuno ng second generation ng TGIS. Kilig na kilig ang fans sa Inaki-Bianca tandem. Very open din sila sa kanilang reel to real relationship at akala nga ng iba ay forever na ang kanilang pagsasama.

 
Until Toni decided to leave the Philippines and try her luck in LA.

 
Siyempre, left alone si Papa Dingdong sa ‘Pinas. Dito nakapares ng aktor ang pretty lady na si Tanya Garcia. Unang nagsama muna ang dalawa sa AnnaKareNina hanggang eventually ay ni-launch ang tambalan nila sa GMA Telebabad via Sana Ay Ikaw Na Nga. For a time, nakalaban ng kanilang loveteam ang noo’y leading lovebirds ng ABS-CBN na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Naging household names ang ‘Carlos Miguel’ at ‘Cecilia’ sa two years run ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

ADVERTISING

 
May time pa nga na siningit si Antoinette Taus para panggulo sa kuwento. May speculations noon na may nilulutong pelikula ang Viva for them.

 
At umalis ulit si Antoinette. Nagkaroon naman ng Twin Hearts sina Dingdong at Tanya. Kahit malakas ang chemistry nila onscreen ay hindi sila naging lovers in real life. Sa programang ito naman naging close si Dingdong kay Karylle at eventually ay naging lovers din sila.

 
As of present, si Marian Rivera ang reel and real loveteam ni Dingdong. Aba, marami ‘yatang DongYan fanatics d’yan! Pero hindi rin naman natin maikakaila na naging parte ng karera ni Dingdong sina Antoinette at Tanya.

 
Ngayong nasa Viva na muli sa Antoinette Taus, may posibilidad kaya na matuloy ang naudlot na love triangle movie nila? Nasa poder din ng Viva sina Dingdong at Tanya kaya magandang ideya ito, huh! Watcha think? Okay lang naman siguro na magbalikan sila sa ‘reel’, ‘di ba?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING