UNEXPECTED TEAM-UP: Dennis Trillo at Kim Chiu, magsasama sa pelikulang ‘One Great Love’!

ADVERTISING

UNEXPECTED TEAM-UP: Dennis Trillo at Kim Chiu, magsasama sa pelikulang 'One Great Love'!

UNEXPECTED TEAM-UP: Dennis Trillo at Kim Chiu, magsasama sa pelikulang 'One Great Love'!
Kim Chiu and Dennis Trillo

ISANG malaking sorpresa ang pasabog ng Regal Films lately. For the very first time ay magsasama sa isang pelikula ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at ang Chinita Princess ng Kapamilya network na si Kim Chiu.

Refreshing ang nasabing team up na naging posible dahil sa movie outfit ni Mother Lily. The movie will be directed by Eric Quizon of the surprise hit ‘My 2 Mommies’. Ginanahan siguro lalo si Mother Lily dahil very appealing sa mata at maganda ang kinahinatnan ng Mother’s Day offering nila, which I believe is one of their biggest hits for the year.

“One Great Love” ang title ng pelikulang pagsasamahan nina Dennis at Kim. Isa ‘ata ito sa projects ng Regal Films na balak nilang ihabol sa MMFF 2018.

Sa totoo lang, this was really unexpected. Matagal-tagal na rin ‘di gumagawa ng pelikula si Dennis sa Regal while 10 years ago pa ‘ata ang first and only movie ni Kim Chiu under the movie outfit (Shake, Rattle and Roll franchise).

ADVERTISING

Good development din na Kim Chiu is collaborating with another movie production apart from her usual Star Cinema films.

Sa ngayon ay hindi kami sure if this is a romance-comedy or a romance-drama. Both Dennis and Kim can do both naman kasi.

Kasama rin sa bagong obra ni Eric Quizon sina Marlo Mortel at Miles Ocampo.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING