‘Under’ ni Lovi Poe swak na summer song sa tag-init

Showbiz Blogster

BAGO pa sumikat bilang isa sa pinakaminamahal na aktres sa mainstream at indie films, isa munang mang-aawit si Lovi Poe.

Sa mga hindi nakakaalam, Lovi Poe started her career as a singer. Bago pa siya magbida kasama nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz at Yasmien Kurdi sa Bakekang noon ay ginugroom muna si Lovi bilang isang teen singer. Nakagawa ito ng dalawang studio albums: The Best of my Heart noong 2006 at Bloom noong 2008.

'Under' ni Lovi Poe swak na summer song sa tag-init
Lovi Poe ‘Under’ MV

Dahil na rin sa dami ng kanyang TV and movie assignments ay naipagpaliban muna nito ang paggawa ng mga kanta. Noong 2019 ay nilabas nito ang kantang ‘Segundo’. Nabitin ang kanyang mga fans and wanted more.

Just last February ay nilabas nito ang kanyang latest single na ‘Under’. This all-English song was written and produced in the US. Kahit ang music video nito ay shinoot sa Amerika at ang lakas maka-shala, huh!

In true Lovi Poe fashion, umaapaw ang sensuality ng sexy actress sa kanyang music video.

On her song ‘Under’: “That was recorded in LA. I was in New York originally. I’m just proud I got to work with one of the producers of Beyonce. It’s something that’s fulfilling to me kasi nga I was able to work in America. So that’s something I’m looking forward to maipakita sa inyo.”

Kahit na pang-international ang level ng bagong kanta at MV ni Lovi, hindi pa rin niya napag-iisipan kung tuloy-tuloy ang kanyang paglayag bilang isang international star.

Sa totoo lang, kahit na may pandemic ay in-demand pa rin talaga ang beauty ni Lovi. Ongoing pa rin ang romance-comedy series nila ni Benjamin Alves na ‘Owe My Love’. Ibinalik din sa ere ang 2014 series nila nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes na ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ na nag-umpisa ang reruns last week.

Kakatapos lang din ni Lovi mag-shoot ng pelikulang ‘The Other Wife’ kung saan reunited siya sa kanyang ‘The Annulment’ co-star na si Joem Bascon under the direction of Prime Cruz.