Unang double OT para sa season na ito

ADVERTISING

Unang double OT para sa season na ito

ANG SEASON na ito, UAAP Season 78 ay talaga namang unpredictable ang mga kaganapan para sa season na ito. Expect the unexpected sa mga pangyayari, lalo na UAAP Men’s Basketball na kung saan ay talagang painit nang painit na ang labanan ng bawat team sa court na ang bawat isa ay may goal, may gustong patunayan, iyon ay ang mapasama sa Final 4.

ADVERTISING

Bagay na bagay ang tema ng UAAP Season 78 ngayon, kung saan ang mga kaganapan ay “tumitindig, sumusulong”. First round pa nga lamang, marami nang kaganapan na talagang ating aabangan pa dahil ito ang season na hindi matin in-expect na akala lang natin ay tulad ng dati pa rin, pero talagang bilog ang bola.

Noong September 16, kung saan ang mga game ay UE vs Adu at NU vs ADMU. Naging maganda ang ipinakitang laban ng mga koponan at sa ngayon season, so far ito ang unang OT at dalawang OT pa between NU vs ADMU. First quarter ng game at nang nagtapos ito ay leading ang NU sa score na 13-11 at nang nagtapos ang 2nd quarter ay nakahabol ang Ateneo Blue Eagles na may kalamangan ng 3 points kontra NU Bulldogs sa score na 27-24. Sa Third quarter naman ay nakahabol ang NU Bulldogs at lumamang sa Ateneo Blue Eagles sa score na 43-42. At sa 4th quarter naman na may konting segundo na lamang ang natitira at lamang ang NU sa Ateneo sa score na 57-54, pero hindi basta sumuko si Kiefer Ravena at nag-3 points ito para mag-tie at nag-proceed sa over time.

Sa OT ay may 5 minutes lamang, at lamang ang NU, 64-62 pero naka-shoot ng 2 points ang Ateneo at nag-tie na naman na nagresulta sa pangalawang OT, sa second OT ay hindi na hinayaan ng Ateneo Blue Eagles na makalamang ang NU Bulldogs at natapos ang second OT. Wagi ang Ateneo Blue Eagles kontra NU Bulldogs sa score na 74-70. Ang Ateneo sa ngayon ay may standing na 2-1 at ang defending champion, NU ay 0-3.

ADVERTISING

Panalo rin ang UE Warriors kontra Adamson Falcon, kung saan noong first quarter ay lamang ang Adamson ng 6 points sa score na 26-20 at 2nd quarter naman ay humabol ang UE Warriors at lumamang na sa Adamson Falcons sa pagtatapos ng quarter na ito sa score na 44-41. Sa 3rd quarter naman ay tila dikit ang score ng kalagitnaan ng quarter na ito pero lumamang pa din ang UE sa score na 63-57. Sa 4th quarter ay hindi na napigilan ng Adamson Falcons ang UE Warriors at nagwagi ang UE kontra AdU sa final score na 89-78. Ang UE sa ngayon ay may standing na 2-1 at ang AdU ay 0-3.

Unexpected talaga ang mga pangyayari this season at sa ngayon ang standing ng bawat University, Nangunguna pa rin ang UST with 3-0 sumunod ang UE, FEU, ADMU at ang host for this season, UP, sa standing na 2-1 at sumunod ang DLSU 1-2 at wala pa ring panalo ang NU at AdU na may standing na 0-3. Abangan pa ang mga unexpected na mga pangyayari sa UAAP Season 78.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING