UMAMIN DIN: Bea Alonzo and Dominic Roque are dating!

ISANG BUWAN matapos umamin ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa relasyon nito sa Between Maybes co-star niya na si Julia Barretto, ngayong buwan naman ay si Bea Alonzo ang may update sa kanyang lablayp.

Sa panayam ni G3 San Diego para sa Mega Entertainment ay natanong ang magandang aktres kung exclusively dating ba sila ni Dominic Roque na madalas maispatan na kasama niya.

UMAMIN DIN: Bea Alonzo and Dominic Roque are dating!
Dominic Roque and Bea Alonzo

“No. Wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating’,”  pag-amin ni Bea.

“Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng aktres na mas maingat na siya ngayon pagdating sa pag-ibig lalo na’t marami-rami na rin siyang napagdaanan.

“I am very careful when it comes to falling so deep again and trusting anybody, but I would like to say that I am open to being happy whether it’s romantically or in that aspect, romance or work. I am very open as you can see ‘di ba I am opening so many doors so I am open to a lot of possibilities,”

UMAMIN DIN: Bea Alonzo and Dominic Roque are dating!
Bea Alonzo and Dominic Roque

“Happy ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I’m also a bit terrified because of all these decisions, everything is new talaga. And to be honest, akala ko at 33 I would be married, but siguro kapag siguradong-sigurado na ako about the person, doon na ako mag-sha-share kasi parang nahihiya din ako to let everyone know that I’m with somebody again, iba-iba rin tayo ng timeline. And maybe I will also get there, but maybe not soon.”