Umalma sa cyberbullying: Tony Labrusca, may panawagan sa mga KathNiel fans!

ADVERTISING
Umalma sa cyberbullying: Tony Labrusca, may panawagan sa mga KathNiel fans!
Kathryn Bernardo and Tony Labrusca

LA LUNA SANGRE is a certified top-rater ngayon sa primetime. Kathryn Bernardo and Daniel Padilla fans a.k.a. KathNiels waited for a long time para makabalik sa kanilang nightly routine ang panonood sa kanilang iniidolong tambalan. Maganda naman talaga ang La Luna Sangre – from the story to the cast members up to the editing.

At bibigyan na rin namin ng much deserved credit ang baguhang si Tony Labrusca as Jake, na kahit hirap sa tagalog ay naitatawid niya ang kanyang mga linya at nailalabas ang pagbi-beast (or lobo? Haha) mode bilang si Jake.

Undeniable din ang kanilang chemistry ni Kathryn Bernardo who plays the role of Malia.

Dahil possessive ang ilang KathNiel fans, nakakatanggap ngayon ng mga mean tweets ang baguhang aktor dahil lang gusto ng mga fans na sina Malia at Tristan lang forever. Hindi raw pwedeng sumingit si Jake.

“Kathniel or Die!” tweet pa ng ibang hitad.

ADVERTISING

Dahil dito, hindi napigilan ni Tony na mag-post sa kanyang Facebook page ng panawagan:

“I’m completely appalled by the amount of cyberbullying going on these days. Being a third party to the KathNiel loveteam I know and accept that there will be bashing.

“However, I do not condone it. Especially when Kathryn and Daniel are ANTI-CYBERBULLYING ADVOCATES

“How can KathNiel fans say “Kathniel or die” or “respeto naman po” when they don’t even understand nor RESPECT what their favorite loveteam stand for?

Umalma sa cyberbullying: Tony Labrusca, may panawagan sa mga KathNiel fans!
Tony Labrusca

“This amount of hate has got to stop and and it starts with me here right now. Time to spread awareness to the very real and sometimes dangerous effects of Cyberbullying.”

Sumosobra din minsan ang mga fans sa pagiging possessive. Naalala namin na a few months ago naman sa Kapuso network ay si Thea Tolentino naman ang nakatanggap ng panlalait mula sa loyal AlDub fans dahil sa pagiging third wheel niya sa Destined to Be Yours

Naku, hindi kaya nakakaramdam na rin ng kilig ang ilang KathNiel fans sa pagitan nina Kathryn at Tony? Gusto lang siguro nilang panindigan ang pagiging loyal nila kay Daniel kaya nilalabanan nila ang temptation to change ships by bashing the poor third wheel?

Basta kami, open kami sa possibility na magtambal sa ibang project sina Kathryn at Tony. Bagay naman kasi sila!

ADVERTISING